๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐-Inatasan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza si Sangguniang Panlalawigan Committee on Human Rights, Peace and Order and Public Safety Boardmember Chair Sittie Eljorie Antao Balisi na dumalo sa 2nd Regular Session ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament nitong Lunes, Mayo 15, 2023.
Ito ay bilang pagpapakita ng suporta sa usaping pangkaunlaran at pangkapayapaan sa Bangsamoro Autonomus Region in Muslim Mindanao (BARMM) na isa sa mga tinututukan ng pamunuan ni Gov. Mendoza.
Sa isa sa mga project turnover sa bayan ng Pigcawayan kamakailan, naniniwala ang gobernadora na ang tagumpay ng Bangsamoro Government ay tagumpay din ng lalawigan ng Cotabato.
Kaya naman mas pinalakas nito ang ugnayan sa lideres ng nabanggit na rehiyon at patuloy na nagbibigay ng suporta sa 63 barangay na dating sakop ng lalawigan na ngayon ay napapabilang na sa Special Geographic Area ng BARMM.
Isinagawa ang pormal na pagbubukas ng 2nd Regular Session ng BTA sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex (SKCC) Governor Gutierrez Avenue, Cotabato City sa pangunguna ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim at BTA Speaker Atty. Pangalian Balindong.
Sa mensaheng ipinaabot ni BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim, kanyang inilatag ang mga prayoridad na programa at proyekto na ipapatupad sa rehiyon para sa taong 2023-2024 at ang pagsisikap nito na maipaabot ang serbisyong kinakailangan ng kanyang nasasakupan.
Kasama rin sa dumalo sa nasabing aktibidad si Former Boardmember at ngayon ay Member of the Parliament BTA, MP Mohammad Kelie U. Antao Alhaj, Cotabato Vice Mayor Johari “Butch” Abu”, Members of the Parliament at iba pang mahahalagang panauhin. //idcd-pgo-sotto/PhotobyBMAntao-Balisi//