๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐๐ฒ ๐๐,๐๐๐๐- Isa ngayon ang probinsya ng Cotabato sa prayoridad na mabigyan ng karagdagang proyekto mula sa Department of Public Works and Highways(DPWH).
Ito ay matapos positibo ang naging tugon ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan sa kahilingan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza at 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Taliรฑo Santos na iprayoridad ang ilan sa mga mahahalagang infrastructure projects sa lalawigan ng Cotabato.
Kabilang sa mga proyektong prayoridad ni Mendoza na matapos sa tulong ng DPWH ay ang access road sa Central Mindanao Airport (CMA) at ang connector road na magkokonekta sa Cotabato Agro Industrial Park (CAIP) at CMA na parehong nasa bayan ng M’lang.
Sa katunayan nakapaghain na ang Regional Development Council (RDC) sa pangunguna ng gobernadora ng resolusyon na humihiling sa nasabing ahensya na iprayoridad ang nasabing proyekto.
Naniniwala ang kasalukuyang administrasyon sa pangunguna ni Gov. Mendoza na ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay makakatulong sa mabilisang pagpapatapos ng mga mahahalagang programa at proyekto na makakapagbigay ng oportunidad sa bawat Cotabateรฑo.//idcd-pgo-sotto/PhotobyCASollesta//