Amas, Kidapawan City | Mayo 4, 2023 – Personal na dinaluhan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Taliño-Santos ang ceremonial groundbreaking at symbolic capsule laying ng itatayong bagong opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Cotabato 3rd District Engineering Office (DEO) sa Brgy. Manubuan sa bayan ng Matalam.
Ang itatayong dalawang palapag na gusali ang magsisilbing bagong tanggapan ng DPWH na pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2023 ng pamahalaang nasyunal sa tulong at inisyatiba ng opisina ni Congresswoman Taliño-Santos.
Sa kanyang mensahe, masaya si Governor Mendoza dahil mayroon ng sariling opisina ang 3rd DEO na malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng ikatlong distrito.
Dagdag pa niya na magsilbi sanang inspirasyon ang nasabing gusali sa mga empleyado at opisyal ng ahensya na mas lalo pang pag ibayuhin ang kanilang pagbibigay ng serbisyo publiko.
Sa kasalukuyan, ang DPWH 3rd DEO ay pansamantalang nag-oopisina sa Brgy. Lanao, Kidapawan City
Ang aktibidad ay ginanap ngayong araw na dinaluhan din nina Board Members Jonathan M. Tabara at Ivy Dalumpines-Ballitoc, Former Board Member Albert Rivera, Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael, Assistant 3rd District Engr. Arcadio G. Rayray, Jr. MPA at iba pang kawani ng DPWH-3rd DEO.//idcd-pgo-mombay//