Amas, Kidapawan City | April 27, 2023 – Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza dumalo sa pagpupulong ng Mindanao River Basin Management Council-Technical Working Group Meeting nitong araw ng Huwebes sa Cinco Niñas, Koronadal City, South Cotabato.
Kasama ni Governor Mendoza na dumalo sa nasabing pagpupulong si Acting Provincial Planning and Development Coordinator Jonah J. Balanag, na siyang nag presenta ng mga programa, proyekto at mga aktibidad na ipinapatupad ng pamahalaang panlalawigan na may kinalaman sa management, development, rehabilitation of sub basin and watersheds sa lalawigan.
Kabilang sa mga proyektong ito ay ang Sagip Kalikasan, Tree Growing at River Bank rehabilitation kung saan aktibong katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagtataguyod ng nasabing mga programa ang PALMA+PB Complex (alliance of local government units na kinabibilangan ng Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap, Aleosan, Pikit at Banisilan) at Metro Arakan Valley Complex (Magpet, Matalam, Pres. Roxas, Antipas at Arakan at Makilala).
Sa pagpupulong ay inirekomenda ni Governor Mendoza ang pagsasagawa ng monitoring at pagkakaroon ng quality control sa pagpapatupad ng mga programa. Ito aniya ay para tiyakin na maayos na maimplementa at makamit ang tunay na layunin ng programa na mapangalagaan ang kalikasan, saad pa ng gobernadora.
Ang naging rekomendasyon ng gobernadora ay sinang-ayunan at pinasalamatan naman ni Department of Environment Natural Resources (DENR) ASec. Joan A. Laguna at tiniyak na imumungkahi nito sa kanilang tanggapan para sa maayos na pagpapatupad ng mga susunod na programa.
Ang nasabing pagpupulong na pinangunahan ni MRBMC Chairperson Cardinal Orlando Quevedo ay dinaluhan nina Cotabato Mayor Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao, mga opisyal at representante mula sa probinsya ng Bukidnon, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at iba pang mga stakeholders.//idcd-pgo-dalumpines/PhotobySMNanini/