Amas, Kidapawan City | April 25, 2023 -Masaya at puno ng pasasalamat ang mga lolo at lola na binisita ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa isinagawang Oplan Liwanag para kay Lolo at Lola sa bayan ng Kabacan ngayong araw ng Martes kung saan 360 senior citizens ang binigyan ng libreng konsulta sa mata at antipara bilang bahagi ng pagsisikap ng liderato ni Gov. Mendoza na tugunan ang pangangailangan ng mga ito.
Binigyang diin ng gobernadora na patuloy ang pakikipagtulungan nito sa iba pang ahensiya ng pamahalaan at mga organisasyon upang isulong ang kabuoang kapakanan ng nasabing sektor at bigyan ang mga ito ng mga pribilehiyong nararapat sa kanila.
Matatandaang, nito lamang ika-19 ng Abril nagsimula nang mamahagi ang pamahalaang panlalawigan ng anim na buwang pensyon ng mga kwalipikadong lolo at lola na kabilang sa “indigent” category at walang kahit anong tinatanggap na ibang pensyon habang isinusulong naman ng gobernadora na maging universal ang nasabing programa upang lahat ng senior citizens ay makatanggap ng nasabing ayuda anuman ang kanilang katayuan sa buhay.
Samantala, dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Mayor Evangeline Guzman, Board Member Jonathan M. Tabara, Provincial Advisory Council Member Albert Rivera, at iba pa. //idcd-pgo-gonzales/Photoby SMNanini//