๐๐บ๐ฎ๐, ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐| ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ- Pinuri ni Cotabato National Food Authority Acting Branch Manager Luisito N. Mangayayam si Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza sa malasakit nito sa mga magsasaka ng palay sa lalawigan sa pamamagitan ng pagsuporta nito sa programang Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units o PALLGU.
Ang PALLGU ay isang programa na naglalayong bilihin sa mas mataas na presyo ang produktong palay ng magsasaka kung saan abot sa P1.00-P2.50/kilo ang madadagdag sa existing support price ng NFA na P19.00/kilo.
Sa panayam kay Mangayayam sa kanilang pagpupulong kahapon, Abril 24, 2023 kasama si Board Member Jonathan Tabara, Provincial Advisory Council and OPag Consultant Amalia J. Datukan at Office of the Provincial Agriculturist Head Remedios Hernandez, sinabi nito na sa layunin ni Governor Mendoza na matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang presyo at matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa probinsya ay agad nitong sinuportahan ang programa ng NFA.
Kung matatandaan, buwan ng Agosto 2022 ng magpatawag ang gobernadora ng isang Rice Summit upang konsultahin ang iba’t ibang stakehoders at pagkatapos nito ay isang executive order ang kanyang nilagdaan na nag-aatas sa paglikha ng Rice Technical Working Group na siyang tututok sa problema ng mga rice farmers.
Dagdag pa nito, na maayos na naipatupad ang programa dahil sa komprehensibong aksyon at pagpaplano ng probinsya at magandang ugnayan nito sa mga local government units. Ang lalawigan din ang pinakaunang probinsya sa Mindanao na nakapagpatupad ng nabanggit na programa, ayon kay Mangayayam.
Ayon kay Ginoong Regino Sedo, 62, isang palay farmer mula sa Barangay Kiyaab, Antipas, Cotabato hulog ng langit para sa kanila ang PALLGU program dahil kung ikukumpara sa presyo ng mga local trader ay mas nabibili na ngayon sa mas mahal na presyo ang kanilang produktong palay kung ito ay direktang ibebenta sa NFA.
โPirti gid kanami nga programa, gapasalamat gid kami kay Gob, kay Mayor sa ila pagsuporta sa PALLGU gamay nga kantidad pero dako gid ang nabulig sa amon nga mga mangunguma,โ saad ni Sedo.
Sa ngayon, mayroon ng pitong munisipyo ang nagbigay ng kanilang suporta sa PALLGU program. Ito ay ang mga bayan ng Carmen, Antipas, Magpet, Matalam, Kidapawan City, Kabacan at Midsayap.
Umaasa naman ngayon ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Mendoza na madagdagan pa ang mga LGUs na nais magbigay suporta sa kanilang magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo sa NFA na magagamit sa implementasyon ng programa.//idcd-pgo-sotto//