Amas, Kidapawan City | April 17, 2023 – Pinag-aaralan ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang posibilidad ng paggamit ng makabagong teknolohiya para sa mas maayos at ligtas na pagtatapon ng basura lalo na sa walong pampublikong ospital sa lalawigan na pinagmumulan ng tambak na basurang may dalang panganib sa kalusugan.
Bahagi ng layuning ito ay ang pagbisita nitong unang araw ng Abril ng mga kinatawan mula sa pamahalaang panlalawigan sa lungsod ng Iloilo upang pag-aralan ang kahusayan ng incinerator machine na siyang gigamit ng lungsod sa pagsusunog ng kanilang mga waste materials.
Ang naturang hakbang ay ayon sa isinusulong na matatag na komunidad para sa mga Cotabateรฑo na napapaloob sa prayoridad na programa ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza at bilang tugon sa hamon ng panahon na masiguro ang kalusugan ng mamamayan lalo na ngayong nagbabanta pa rin ang Covid-19.
Ayon sa presentasyon ng “The Clean O2 – Eco-Friendly Corporation” ang incinerator machine ay isang epektibo at nagsusulong ng ligtas na paraan ng pagsusunog ng mga basura tulad ng plastics, used diapers, used oils, solvent, at maging mga medical wastes tulad ng face masks, test kits, gloves, PPEs, at iba pa dahil hindi ito naglalabas ng mga usok na mapanganib sa kalusugan ng tao at sa kalikasan katulad ng regular at nakasanayang paraan ng pagsusunog ng basura.
Samantala, ayon kay Office of the Provincial Planning Coordinator (OPPDC) Acting Head Jonah J. Balanag, kasulukuyan nang hinahanda ang mga kaukulang dokumento base sa resulta ng naturang pag-aaral.
Kabilang sa team na pinadala sa Iloilo City ni Governor Mendoza si Balanag, kasama sina Integrated Provincial Health Officer Dr. Eva C. Rabaya, Provincial Legal Office Atty. John Haye C. Deluvio, mga myembro ng Provincial Advisory Council Dr. Rodrigo Escudero, dating Board Member Onofre Respicio, at PGO Managing Consultant Rene P. Villarico.//idcd-pgo-gonzales//Photoby RPVillarico & JJBalanag