Amas, Kidapawan City | Abril 13, 2023 – Isang send off ceremony ang isinagawa ng Department of Agriculture- Agricultural Training Institute (DA-ATI) nitong Martes para sa 23 na mga delegado na sasailalim sa Young Filipino Farm Leaders Training Program (YFFLTP) sa bansang Japan.
Ito ay ginanap sa RDEC Hall, ATI, Diliman, Quezon City, kung saan sa 23 na delegado mula sa ibat ibang panig ng bansa, dalawa rito ang nagmula sa lalawigan ng Cotabato. Ito ay sina Stephen S. Ceriales ng Birds of Paradise 4-H Club ng Brgy. Ginatilan sa bayan ng Pikit at Adelo J. Estillore ng Pinamaton 4-H Club, Brgy. Pinamaton sa bayan naman ng Matalam.
Ang YFFLTP ay isang programa ng Department of Agriculture katuwang ang Japan Agricultural Exchange Council (JAEC) na nagbibigay ng oportunidad sa young Filipino farmers na sumailalim sa iba’t ibang kasanayang pang-agrikultura upang mahasa ang kanilang abilidad sa larangan ng pagsasaka.
Pasasalamat naman ang ipinaabot nina Ceriales at Estillore kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza sa pinansyal na tulong at suporta na ipinaabot nito na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na malinang ang kanilang kasanayan lalo na sa larangan ng agrikultura.
Ang mga delegado ay tumulak papuntang Japan ngayong araw, Abril 13, 2023.//idcd-pgo-mombay/Photoby OPAg& ATI//