๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| Abril 11, 2023– Sinaksihan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang seremonyal na unang pagpapadala ng labing walong (18) toneladang durian sa bansang China na ginanap sa Davao International Airport Cargo Section nitong Abril 6, 2023.
Ayon sa gobernadora, ang nasabing aktibidad ay magbubukas ng malaking oportunidad hindi lamang sa Davao City kundi sa buong Mindanao kabilang na rito ang Cotabato Province na isa sa mga pangunahing produkto ay prutas gaya ng Marang, Mangosteen, Pomelo, Lansones, Durian at iba pa.
Nanindigan din ang ina ng lalawigan na bukas siya sa sinumang mamumuhunan matiyak lamang ng mga ito na mabibili sa tamang presyo ang mga dekalidad na produkto ng mga magsasaka at masigurong ligtas sa anumang sakit ang agricultural commodities na papasok at lalabas sa probinsya.
Kung matatandaan, ilang investors na rin ang nagpahayag ng kanilang intensyon na mamuhunan sa lalawigan lalo na sa larangan ng agrikultura.
Noong nakaraang taon ay naimbitahan din ang gobernadora sa engrandeng pagtitipon ng Filipino-Chinese Amity Club Davao, isang samahan ng mga negosyante sa buong Pilipinas na nagbigay ng walong (8) silid aralan sa Brgy. Daig, Tulunan bilang tulong sa mga bata at guro na naapektuhan ng pagyanig noong 2019.
Kasama ni Governor Mendoza sa aktibidad sina Presidential Assistant for Mindanao Secretary Leo Magno at Davao City Councilor Marissa Abella. //idcd-pgo-sotto/ Photoby EDGE Davao//