๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ | ๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐, ๐๐๐๐ – Dahil sa masigasig na kampanya kontra ilegal na droga sa lalawigan, ginawaran ang Probinsya ng Cotabato ng Plaque of Recognition bilang regional awardee ng 2022 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards kung saan binigyan ito ng 87.5% performance rating dahil sa epektibong pagpapatupad ng mga kaukulang programa hinggil dito sa buong probinsya.
Ang nasabing parangal ay personal na tinanggap ng mga kinatawan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza na sina Sangguniang Panlalawigan Committee Chair on Human Rights, Peace and Order, and Public Safety Board Member Sittie Eljorie C. Antao-Balisi at Focal Person ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) Wilson Terado.
Matatandaang bago pa man natapos ang taong 2022, inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang Drug-Free Workplace kung saan binuo ni Governor Mendoza ang Drug-Free Workplace (DFWP) Committee na agaran namang nagbalangkas ng mga polisiya at alituntunin ng ipapatupad na DFWP program.
Naglaan din ang gobernador ng pondo para sa iba’t ibang adbokasiyang ipapatupad ng PADAC tulad ng pagsasagawa ng anti-drug symposium sa mga high school students, at iba pa.
Deklaradong drug-cleared na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may 410 out of 480 barangays sa probinsya dahil sa mahusay na ugnayan at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamot at maging ang pagpapatayo ng lokal na plantasyon ng marijuana dito.
Samanatala, ginawaran din ng kaparehong pagkilala sa nabanggit na awarding ceremony ang mga bayan ng Aleosan, Libungan, Pikit, Midsayap, at M’lang habang national awardees naman ang lungsod ng Kidapawan, mga bayan ng Arakan, Banisilan, Carmen, Magpet, Pigcawayan, at Pres. Roxas.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa The Farm, Koronadal City noong ika-9 ng Marso taong kasalukuyan.//idcd-pgo-gonzales// Photo credit: DILG FB Page and PADAC