๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐๐๐ซ๐๐ซ๐จ ๐5, ๐๐๐๐-Abot sa P25 milyon na road concreting project ang itinurnover ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato nitong Lunes, Pebrero 13, 2023 sa pangunguna ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza, sa limang barangay na sakop ng bayan ng Libungan at Pigcawayan sa lalawigan ng Cotabato.
Kabilang sa P25M na proyektong tinurn-over ni Governor Mendoza ay ang pagpapakontreto ng mga daan mula sa mga sumusunod na mga barangay:
Batiocan-Demapaco, Libungan road na may habang 440 metro; Mula National Highway (INC) patungong Mangga Hapa papuntang Boundry ng Brgy. Baguer at Ulamian, Libungan – 545 meters; Barangay Poblacion 3, Pigcawayan, 521 meters; Barangay Poblacion 1, Pigcawayan 521 meters at Brgy. Midpapan 1, na may habang 467 meters.
Ang bawat proyekto ay ginastusan ng pamahalaang panlalawigan ng tig limang milyong piso mula sa 2022 pondo ng probinsya sa ilalim ng 20% Economic Development Fund (EDF).
Ayon sa tanggapan ng Provincial Engineering Office (PEO) ang proyekyto ay sinimulan noong Disyembre ng nakaraang taon na agad ding tapos dahilan upang naisagawa din ang turnover ng mga proyekto.
Hindi naman maikubli ang sayang nararamdaman ng mga benepisyaryo ng mga proyekto dahil magiging mabilis at komportable na ang kanilang pagbabyahe lalo na sa paghahatid ng kanilang mga produktong agrikultura sa merkado. Dahil dito labis ang kanilang pasasalamat sa pamahalaang panlalawigan lalo na sa gobernadora sa pagsasakatuparan ng kanilang pangarap na magkaroon ng maayos na daan.
Ang cutting of the ribbon at simpleng seremonya ay isinagawa mismo sa mga nabanggit na barangay na sinaksihan nina 1st District Board Members Sittie Eljorie A. Balisi, Roland D. Jungco, Libungan Mayor Angel Rose L. Cuan, at Pigcawayan Mayor Juanito Agustin, 1st Dist. Former Board Member Rosalie H. Cabaya, Municipal, Barangay Officials at mga benepisyaryo ng mga na nasabing mga barangay.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Esperidion Taladro. //idcd-pgo//