๐๐ฎ๐ข๐ด, ๐๐ช๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐๐ช๐ต๐บ| ๐๐ฆ๐ฃ๐ณ๐ฆ๐ณ๐ฐ 9, 2023- Abot P2,555,000 na halaga ng farm inputs ang ipinamahagi ng Office of the Provincial Agriculturist nitong Miyerkules, Pebrero 8, 2023 sa bayan ng Pikit, Cotabato.
Ang mga kagamitang pansaka na ipinamahagi sa mga magsasaka na naapektuhan ng pagbaha mula sa 20 barangay ng bayan ay kinabibilangan ng 40 pcs. trapal, 120 bags certified rice seeds, 462 bags hybrid corn seeds, 280 bags ng agricultural salt fertilizer at 40 pcs. na knapsack sprayers.
Pinangunahan ni 1st District Board Member Sittie Eljorie Antao-Balisi kasama si Former Board Member Rosalie H. Cabaya ang aktibidad na ginanap sa Barangay Dalegaoen covered court ng naturang bayan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Board Member Antao-Balisi na prayoridad ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang matulungan ang mga magsasaka ng probinsya.
Sa katunayan aniya, maliban sa pamimigay ng farm inputs nagbibigay din ng technical assistance at training ang OPAg upang maturuan ang mga magsasaka ng lalawigan ng makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagsasaka.
Nakikipag-ugnayan din ang ina ng lalawigan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang iba pang pangangailagan ng sektor ng agrikultura.
Nasa nasabi ring farm inputs distribution ang mga kinatawan mula sa Pikit Municipal Agriculture at kawani ng OPAg.
Kung matatandaan, nito lamang Enero 24, 2023 itinurnover ni Governor Mendoza ang tsekeng nagkakahalaga ng P4.5M sa National Food Authority (NFA) bilang suporta sa Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU) na naglalayong bilihin sa mas mataas na halaga ang ibinibentang palay ng mga magsasaka.//idcd-pgo//
Photo Credit: OPAg