๐๐บ๐ฎ๐, ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐| ๐ฃ๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ฟ๐ผ 6, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ-Sa layunin ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza na maipaabot ang tulong ng pamahalaang panlalawigan sa mga nabiktima ng ipo-ipo sa Barangay Dugong, M’lang, Cotabato tinungo nitong Biyernes, Pebreo 3, 2023 ng mga kawani ng kapiyolyo sa pangunguna ni Cotabato Province Liga ng mga Brgy. Pres. Phipps Bilbao kasama si dating Cotabato PCL Chair Albert Rivera ang nasabing barangay para personal na kumustahin at maihatid ang ayuda para sa mga ito.
Abot sa 21 sako ng bigas at 252 cans na sardinas at 252 pcs ng noodles ang kabuoang natanggap ng 32 pamilya mula sa nasabing barangay.
Sampung pamilya na may totally damaged na mga bahay ang tumanggap ng tig 10 GI sheets, 5kls na assorted nails, 10 shelter repair kits, 10 sleeping kits (mats, blankets at mosquito nets) at food items na isang sakong bigas, 12 pcs. noodles at 12 lata ng sardinas.
Habang ang dalawampu’t dalawang pamilya na kabilang sa may partially damaged ay tumanggap ng kalahating sako ng bigas, anim na noodles at sardinas.
Sa mensahe ni Board Member Bilbao, kanyang binigyang diin na ang pagbibigay ng ayuda sa mga Cotabeรฑong nasalanta ng kalamidad ay isa lamang sa napakaraming programang ipinapatupad ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng adbokasiyang Serbisyong Totoo ni Governor Mendoza.
Aniya, ang tanging hangad ng gobernadora ay maiparamdam sa bawat Cotabateรฑo na ang pamahalaang panlalawigan ay laging bukas at handang tumulong sa mga mamamayan lalung-lalo na sa higit na nangangailangan.
Kabilang sa mga programang ipinapatupad ng probinsya aniya ay ang medical and dental outreach program, animal mission at marami pang iba.
Labis-labis naman ang pasasalamat ni Brgy. Kgwd. Ali Tricky Kanapia sa pamahalaang panlalawigan, lalo na kay Governor Mendoza dahil sa tulong na ipinaabot nito sa kanilang barangay matapos masalanta ang kanilang lugar ng buhawi noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad ang Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Disaster Risk Reduction Management (PDRRM) Municipal Disaster Risk Reduction Management ng M’lang (MDRRM) at ang mga opisyal ng Brgy. Dugong, ng nasabing bayan.//idcd-pgo//