๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ | ๐๐ง๐๐ซ๐จ ๐5, ๐๐๐๐ – Pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang Provincial Rice Technical Working Group Meeting (Production Needs Matching Session) at Commitment Signing nitong Martes sa IPHO Conference Hall, Brgy. Amas, Kidapawan City.
Sa nasabing pagpupulong ay binigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka ng palay na maipaabot sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang problemang kinakaharap nito sa kasalukuyan.
Kabilang sa mga kahilingang ipinaabot ng mga rice farmers sa provincial government ay ang pagbibigay sa kanila ng suportang pang-agrikultura gaya ng binhi at abono, dekalidad na mga farm machineries at pagsasaayos ng mga farm-to-market roads at line canals upang mapanatili ang magandang kalidad ng kanilang ani at mapataas ang kanilang produksyon.
Pinasalamatan naman ni Governor Mendoza ang mga ahensyang pang-agrikultura na dumalo sa nasabing pagpupulong at hiniling ang mga ito na patuloy na suportahan ang programa para sa mga magsasaka ng pamahalaang panlalawigan.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin din ng gobernadora na mahalaga ang kooperasyon at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, farmer associations at ng buong sambayanan upang mabigyan ng solusyon ang problemang kinakaharap ng mga rice farmers.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din nina Board Member Jonathan M. Tabara, OPAg Managing Consultants Eliseo M. Mangliwan at Amalia J. Datukan, Acting Provincial Agriculturist Remedios M. Hernandez, mga kinatawan mula sa Department of Agriculture XII, PhilRice, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), Landbank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, University of Southern Mindanao, National Irrigation Administration, National Food Authority, DA- Agricultural Training Institute, Agricultural Credit Policy Council, at Philippine Crops Insurance Corporation.//idcd-pgo/photo credit SN//