๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐ง๐๐ซ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐- Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng 49 na asosasyon mula sa ibaโt ibang bayan ng lalawigan matapos nitong tanggapin mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office XII sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang P14.7M na tseke na kanilang magagamit bilang puhunan sa kanilang napiling negosyo.
Ang ceremonial awarding of checks and certificate of accreditation to Payapa at Masaganang Pamayanan Livelihood Program Associations (PAMANA-SLPAs) ay ginanap ngayong araw sa Provincial Capitol, Rooftop Amas, Kidapawan City na pinangunahan ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza kasama si DSWD XII Regional Director Loreto V. Cabaya.
Kabilang sa 49 na accredited PAMANA-SLPAs ay nagmula sa bayan ng Alamada, Aleosan, Antipas, Arakan, Kidapawan City, Magpet, Makilala, Mโlang, Pigcawayan, President Roxas at Tulunan, kung saan ang bawat asosasyon ay nakatanggap ng tig P300,000 cash grant.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Governor Mendoza ang ahensya ng DSWD at ang pamahalaang nasyunal sa tulong at suporta nito sa pangangailangan ng mga mamamayan ng lalawigan.
Pinaalalahanan din nito ang mga benepisyaryo ng ibaโt ibang programa ng DSWD na gamitin sa maayos na paraan ang pinansyal na tulong mula sa ahensya upang mabigyan ng maganda at maayos na buhay ang kanilang pamilya at makatulong din sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.
Nagpaabot din ng pasasalamat si RD Cabaya kay Governor Mendoza sa patuloy nitong suporta sa programa ng DSWD at tiniyak na ang kanyang tanggapan ay laging bukas sa mga indibidwal ng probinsya na nangangailangan ng interbensyon ng ahensya.
๐๐๐ง๐ฌ๐๐ก๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ
Hindi matatawaran ang kasiyahan ng Sarayan PAMANA-SLPA na may negosyong general merchandise, matapos mapili ang kanilang asosasyon na maging benepisyaryo ng P300,000 mula sa DSWD.
Ayon kay Ronelyn Y. Quelicot, treasurer ng nasabing samahan na sila ay nagpapasalamat dahil nararamdaman nila na abot kamay ng ordinaryong mamamayan ang gobyerno at nakita nila ang magandang partnership sa pagitan ng DSWD at pamahalaang panlalawigan kaya mabilis ang pagbibigay ng serbisyo.
Masaya rin ang Obo Manuvo SLPA mula sa Don Panaca, Magpet, Cotabato dahil ang P300,000 na pinansyal na tulong ay magagamit na nila sa kanilang tahiti production na siyang ginagamit sa paggawa ng walis paypay.
Ayon kay Vergie Dulangan, 97% ng kanilang miyembro ay katutubo kaya labis ang kanilang pasasalamat sa tulong na natanggap mula sa DSWD sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panalawigan.
Ang PAMANA-SLPA ay isa sa mga programa ng DSWD na naglalayong matulungan ang vulnerable sectors ng lipunan na makapagsimula ng kanilang pangkabuhayan upang maiangat ang estado ng kanilang pamumuhay at matulungang mapaunlad ang kanilang komunidad.//idcd-pgo//