๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐ง๐๐ซ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐- Isang masayang pagbati ang salubong ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza sa mga batang atleta na nakapag-uwi ng medalya sa katatapos lamang na 2022 Batang Pinoy National Championships ng bumisita ito sa kanyang tanggapan ngayong araw.
Personal din nitong iniabot sa mga batang nagdala ng karangalan sa probinsya sa pamamagitan ng larong taekwondo at karatedo ang insentibo mula sa kanyang opisina.
Ang 3 mga batang atleta na nakapag-uwi ng silver medal ay nakatanggap ng tig P7,000 cash incentives, samantalang 7 atleta naman na nakakuha ng tansong medalya ang nakatanggap ng tig P5,000 insentibo.
Sa kanyang naging mensahe, binigyang diin ng gobernadora na ang karangalang dala ng mga batang atleta sa lalawigan ay magsisilbing inspirasyon sa kapwa nito kabataan na magpursige sa kabila ng anumang hamon ng buhay.
Kasama ni Mendoza sa pagbibigay ng sertipiko at insentibo sina Board Members Sittie Eljorie Antao, Joseph Evangelista, Ivy Martia Lei Ballitoc-Dalumpines, Jonathan Tabara, SK Provincial Federation President Sarah Joy Simblante, Provincial Sport Coordinator Russel Villorente, coaches at magulang ng mga atleta.//idcd//