Amas, Kidapawan City| January 3, 2023- Muling nagpaalala si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa mga kawani ng Kapitolyo sa tunay na adbokasiya ng Serbisyong Totoo na maglingkod ng tapat at mahusay para sa kapwa Cotabateño.
Ito ang kanyang inilahad sa isinagawang unang flag raising ceremony ng mga empleyado para sa taong 2023.
Ayon kay Governor Mendoza, nararapat lamang na lalo pang pagbutihin ng mga kawani ang kapitolyo ang pagbibigay ng serbisyo publiko sa mga mamamayan ng lalawigan, dahil ang lahat ng benepisyong natatanggap ng mga ito ay mula sa binabayad na buwis ng taumbayan.
Pinaalalahanan din nito ang mga emplyedo na sundin ang alituntunin ng Civil Service Commission gaya ng pagsusuot ng tamang uniform at ID tuwing papasok sa trabaho.
Dagdag pa ng gobernador na nakahanda ito na mag bigay ng insentibo sa Provincial Engineering Office (PEO) sakaling matapos ng mga ito ang mga proyekto ng mas maaga.
Sinabi din nito ang istriktong pag-implementa ng Civil Security Unit (CSU) sa Kapitolyo, ang standing ordinance ng pamahalaang panlalawigan na “No Helmet, No Entry”.
Nagpasalamat din si Governor Mendoza sa lahat ng Sangguniang Panlalawigan members sa pangunguna ni Bise Gobernador Efren F. Pinol sa lahat ng suporta upang maagap at mahusay na maitaguyod ang mga programa at mga proyekto ng probinsya.
Kasama rin sa dumalo sa flag raising ceremony ay sina 1ST District Board Member Roland D. Jungco at Provincial Administrator Aurora P. Garcia.//idcd-pgo//