Bilang bahagi nang pagsiguro ng mas mahusay na pagpaplano, implementasyon at monitoring ng mga proyekto sa tulong ng maayos na local statistics system sa probinsiya, nagsagawa ng pagpupulong ang mga myembro ng Provincial Statistics Committee.
Sa nasabing meeting ay prinisenta ang bagong Executive Order No. 55 series of 2022 na pirmado ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na nagrere-organisa ng mga myembro nito at inilatag ang mahalagang tungkulin ng nasabing komite upang makapagsagawa ng mga hakbang upang palakasin ang kapabilidad at lalo pang mapabuti ang sistema ng pagkolekta ng mga local statistics.
Kasama sa nasabing pagpupulong ang Philippjne Statistics Authority na nirepresentahan nina PSA Senior Statistical Specialists Laila C. Caoagdan at Norhayyah A. Tula na nagbigay ng updates tungkol sa 2020 Census of Population and Housing, Comsumer Price Index and Inflation Rates.
Nangunaha sa nasabing aktibidad ang Provincial Planning ang Development Office (PPDO) sa pamumuno ni Acting Provincial Planning and Development Coordinator Jonah Balanag, na isinagawa nitong Biyernes November 25 sa Provincial Capitol Rooftop.//idcd//