Amas, Kidapawan Cityl Nobyembre 21, 2022l Kabilang sa naging tampok sa isinagawang 2022 South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani and General Santos City (SOCSKSARGEN) MSMEs Forum nitong Miyerkules sa Pavilion, GreenLeaf Hotel, General Santos City ay ang Provincial Micro Small Medium Enterprises Development (PMSMED) Council best practices ng Cotabato province.
Sa presentasyon ni Maybel Lynne Calungsod, designated chairperson of Provincial Micro, Small and Medium Enterprises Development (PMSMED) Council inilahad niya ang mga pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza para mapabuti ang Micro Small Medium Enterprises (MSMEs) ng probinsya.
Kabilang sa kanyang binigyang diin ay ang best practices na isinusulong sa ilalim ng adbokasiyang Serbisyong Totoo:
1. Business Environment, kabilang rito ang business climate at access to finance,
2. Business Capacity o pag gamit ng MSMEs ng makabagong teknolohiya.
3. Business opportunities pagkakaroon ng access sa marketing platforms at e-commerce o pagbebenta ng mga produkto o gawa online at,
4. Cross Cutting Strategy kagaya halimbawa ng Negosyo Center at marami pang iba.
Inihayag rin ni Calungsod sa nasabing pagtitipon ang planong pagbubukas ng Central Mindanao Airport ng lalawigan, bilang isa sa mga pangunahing proyektong pinagtutuunan ngayon ng pansin ng administrasyon ni Mendoza dahil sa malaking maitutulong nito sa pagsulong ng turismo, pagpapaunlad ng ekonomiya at mas maraming oportunidad para sa mga Cotabateรฑo.
Ang 2022 SOCSKSARGEN MSMEs Forum na may temang Rise MSMEs in the Digital Economy: Resilient, Innovative, Sustainable and Empowered ay isinagawa sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI) ay dinaluhan ng mga partisipante mula sa SOCSKSARGEN region kasama ang PSMED Council members mula sa probinsya ng Cotabato na sina Mr. Norito Mazo at Ms. Teresita Espanol.//idcd//