Amas, Kidapawan City| November 21, 2022- Bago magtapos ang taong 2022, magsasagawa ng year-end relief operation ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa 400,000 vulnerable families in crisis situation.
Ito ang inihayag ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza sa ginanap na Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City nitong Miyerkules, Nobyembre 16, 2022 kung saan maglalaan ng abot sa P146,800,000.00 pondo ang probinsya sa pagbili 80,000 sako ng bigas na ipamamahagi sa kapus-palad na mamamayan ng probinsya.
Sa nasabing 80,000 sako, 8,000 sako rito ang bibilihin sa National Food Authority samantalang ang 72,000 sacks na locally milled rice ay bibilihin naman sa mga local farmers and millers.
Ang bawat benepisyaryo ng nasabing year-end relief ay makakatanggap ng tig 10 kilong bigas mula sa probinsya na ipamamahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang mga local government units (LGUs).
Ayon kay Mendoza ang pagsasagawa ng year-end relief ay makakatulong hindi lamang sa mga pamilyang kapus-palad at naapektuhan ng kalamidad, makapagbibigay din ito ng karagdagang kita sa mga lokal na magsasaka ng lalawigan.//idcd-pgo//