๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐Œ๐ž๐ง๐๐จ๐ณ๐š ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐  ๐š๐ง๐  ๐‹๐“๐…๐‘๐ ๐š๐ญ ๐›๐ฎ๐ฌ ๐œ๐จ๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐๐Ž๐‚ ๐ž๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฆ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐จ๐ฏ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ- Ipinatawag ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang mga bus companies na bumibiyahe sa iba’t ibang ruta ng probinsya at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isinagawang Provincial Peace and Order Council (PPOC) Executive Meeting ngayong araw.

Ito ay may kaugnayan sa pambobomba ng Yellow Bus Line sa Tacurong City, Sultan Kudarat kamakailan na ikinasawi ng isang residente mula sa bayan ng Carmen, Cotabato at ikinasugat ng 8 pang indibidwal mula sa lalawigan.

Kabilang sa mga bus companies na naimbitahan sa pagpupulong ay ang YBL Company na nirepresenta ni YBL Operations Manager Bernardo Bolaรฑo at Mindanao Star Bus Transport Inc. na nirepresenta naman ni MSBT Field Supervisor Roy Olivo.

Sa nasabing ExeCom tinanong ni Governor Mendoza si Regional Hearing Officer Atty. Paul Macababbad ng LTFRB XII kung ano ang posibleng sanction na ipataw sa mga bus companies na hindi sumusunod sa point-to-point o terminal-to-terminal loading and unloading of passengers policy.

Ayon kay Atty. Macababbad hindi saklaw ng kanilang opisina ang pagpapataw ng sanction, sa halip kanilang idudulog ang tanong ng gobernadora sa LTFRB Central Office na siyang nagbibigay ng prangkisa sa mga bus companies na bumibiyahe sa iba’t ibang rehiyon o inter-regional.

Samantala, hiniling naman ni Mendoza ang pamunuan ng mga bus companies na makipag-usap at makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan lalo na sa pagpapatupad ng mga ordinansa hinggil sa tamang pag pick-up ng pasahero na mahalaga sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga ito kontra terorismo at iba pang kriminalidad.

Nirekomenda din ng council sa pangunguna ni Mendoza ang pagpapasa ng ng mga sumusunod na resolusyon:

– Paghiling sa LTFRB na lahat ng bus na bumibyahe sa probinsya ay obligadong maglagay ng CCTV.

-Paghikayat sa lahat ng bus companies/operators na bumibyahe sa lalawigan na makipag-ugnayan sa mga local chief executives(LCEs) ng mga bayan na kanilang dinadaanan upang maayos na mailatag ang security plans and measures upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuters.

Sa darating na unang linggo ng Disyembre ay muling ipapatawag ni Governor Mendoza ang LTFRB at mga kompanya ng mga bus na nag-ooperate sa probinsya upang dumalo sa PPOC Full Council Meeting na dadaluhan ng mga alkalde ng iba’t ibang bayan ng probinsya.//idcd-pgo//