๐ผ๐ข๐๐จ, ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฃ ๐พ๐๐ฉ๐ฎ | ๐๐ค๐ซ๐๐ข๐๐๐ง ๐6, ๐๐๐๐ – Upang paigtingin ang kampanya laban sa mental disorders at mental health issues, sinasanay ngayon ang ilang mga kawani mula sa Rural Health Units (RHUs) ng iba’t ibang bayan para sa epektibong pagpapatupad ng programa.
Ang dalawang araw na Mental Health Helpline Training ay bahagi ng paghahanda para sa paglunsad ng helpline sa mga RHU upang mas matutukan ang mga nangangailangan ng tulong sa kanilang kalusugang pangkaisipan.
Maliban sa mental health issues, ang nasabing helpline ay magsisilbi ring referral pathway para sa Community Based Drug Rehabilation Program.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), hindi bababa sa 3.6 milyong Filipino ang nakaranas ng problema sa mental health sa panahon ng pandemya, isang matibay na pruweba na ang kalusugang pangkaisipan ay hindi dapat ipagwalang bahala.
Tinalakay rin sa nasabing aktibidad ang: Basic Counseling Skills, Telephone Counseling Process, at Understanding the Dynamics of Mental Helpline upang ihanda ang mga frontliners sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasyente nito.
Matatandaang, sa ilalim ng direktiba ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo-Mendoza, inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang Mental Health Helpline 09815000885 noong Oktubre sa pangunguna ng Integrated Provincial Health Office (IPHO).
Ang nasabing aktibidad ay sinimulan kahapon na isinagawa sa FCG, Binoligan atnagtapos ngayong araw November 16, 2022.//๐ช๐ฅ๐ค๐ฅ//