๐—–๐— ๐—” ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฐ๐—ต ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ, ๐—–๐—ฒ๐—ฏ๐˜‚๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—ถ๐—ฟ๐—”๐˜€๐—ถ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐˜‡๐—ฎ

Amas, Kidapawan City|Nobyembre 14, 2022– Pinangunahan ni Governor Emmylou ‘Lala’ Taliรฑo-Mendoza ang personal na pagbisita sa mga kinatawan ng airline companies upang hikayatin ang mga ito na maglagay ng mga byaheng papuntang Central Mindanao Airport (CMA).

Mismong mga Presidente ng airline companies ang humarap kay Mendoza na nagpahayag ng positibong tugon sa alok ng Gobernadora na pag-aralan ang posibleng paglagay ng mga byahe na magseserbisyo sa lalawigan ng Cotabato pati na rin ang mga kalapit na bayan nito.

Kinakailangan ng isang airline company ang mahaba habang panahon upang mapag aralan ang posibilidad ng paglipad sa isang destinasyon. Malaking kadahilanan ang pasahero, bagahe at iba pang revenue generating sources para makapagdesisyong maglagay ng byahe sa nasabing paliparan.

Ito ang dahilan kung bakit isinagawa ni Gov Mendoza ang isang marketing pitch na maaga upang mabigyan ng impormasyon ang mga kumpanya sa kasalukuyang pagsasaayos ng paliparan at ang posibleng pagbubukas nito sa susunod na taon.

Maliban sa nakatakdang pagbubukas ng paliparan, napag-usapan din ang isang malaking konsiderasyon ng mga kumpanya. Ito ay ang kasalukuyang peace and order ng lalawigan. Siniguro naman ni Mendoza na may mga kasalukuyang isyu sa katahimikan pero ito ay mga isolated issues lamang at agaran naman nareresolba ng pamunuan ng lalawigan kasama ang mga lokal peace-keeping forces. Ginarantiya din ng gobernadora ang kaligtasan ng mga eroplano pati na rin ang kanilang mga kawani sa sandaling magsimula na silang magkaroon ng byahe patungong CMA.

Sisimulan din ng mga airline companies na pag-aralan ang posibilidad na paglalagay ng byahe sa CMA at nangakong makikipagtulungan sa pamunuan ng lalawigan upang masigurong maging viable sa lahat ng posibleng locators ang paglipad at paglagak ng pondo sa CMA.

Unang binisita ng delegasyon ni Mendoza na kinabibilangan nila Assistant Majority Floor Leader at Cotabato 3rd District Representative Congresswoman Ma. Alana Samantha T. Santos, SOCSARGEN ADPO Program Engr. Ginalyn Fe Cachuela at mga kinatawan ng ibat-ibang opisina mula sa (CAAP), DOTr at lalawigan ng Cotabato ang Philippine Airlines. Sinalubong mismo ni PAL President and COO Capt. Stanley K. Ng, PAL Express OIC/President Rabbi Vincent L. Ang, SVP and General Counsel Atty. Carlos Luis Fernandez at iba pang opisyales si Mendoza at ang kanyang delegasyon.

Sunod namang tinungo ng grupo ni Mendoza ang tanggapan ng Air Asia kung saan ay nakipagpulong ang mismong Chief Executive Officer nito na si Mr. Ricardo Isla kasama ang mga matataas na opisyales sa delegasyon. Bago pa man nagsimula ang pagpupulong ay nagpaunlak ng isang office tour si Isla sa work areas ng mga piloto, flight attendants, flight monitoring personnel at iba pang kawani ng Air Asia.

Pinakahuling tinungo ng delegasyon ni Mendoza ang tanggapan ng Cebu Pacific Air kung saan ay malugod silang sinalubong ng mga matataas na kawani nito sa pangunguna ng Chief Corporate Affairs Officer na si Mr. Michael Ivan Shau. Unang nagpahayag ng galak at suporta ang pamunuan ng Cebu Pacific sa ginagawang pagtutok ni Mendoza sa pagsasaayos at ang paghahanda nito sa operasyon ng paliparan na ayon sa kanya ay isang napakalaking tagumpay sa larangan ng negosyo lalung-lalo na sa agri-tourism at lokal na mga negosyante ng lalawigan.

Buong kagalakan naman ang ipinaabot ng mga airline companies kay Mendoza sa kanyang ginawang marketing pitch at sa pagpapahalaga nito sa kanilang mga suhestiyon at karagdagang inputs upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at ang maayos at ligtas na paglipad at paglapag ng mga eroplano sa paliparan.

Ang dalawang araw na pagbisita ni Gov. Mendoza sa mga tanggapan ng airline companies ay hudyat na puspusan na ang preparasyon at pagsasaayos ng nalalapit na pagbubukas ng paliparan.

Marami mang hirap ang pinangdaraanan ni Mendoza upang maisakatuparan ang pagbubukas ng paliparan, positibo naman ito na ang mga hirap sa kasalukuyan ay kalingkingan lamang sa magiging dulot ng paglago ng negosyo at pag unlad ng ekonomiya ng buong lalawigan.//ELTM FB Page//