R๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐›๐ฅ๐ž ๐๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐Œ๐จ๐ฏ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐Ž๐๐†๐€๐ƒ

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐จ๐ฏ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ- Isang โ€œeye openerโ€ para sa 95 na mag-asawa at mag-live in partners mula sa mga barangay ng Salasang (November 8-9), Dallag (November 9-10), at Allab (November 10-11), sa bayan ng Arakan Cotabato ang kanilang mga natutunan sa Responsible Parenting Movement Seminar (RPMS) na ayon kanila ay mahalaga sa paghubog ng isang maayos at produktibong pamilya.

Ang nasabing seminar ay pinangunahan ng Population Gender and Development Office sa ilalim ng Opisina ng Gobernador na naglalayong palakasin ang pagsasama ng mag-asawa para na rin sa magandang kinabukasan ng bawat pamilyang Cotabateรฑo.

Kabilang sa mga topikong tinalakay sa nasabing seminar ay ang pagpapatibay ng relasyon ng mag-asawa o magkapareha, pagbuo ng maganda at maayos na relasyon sa mga anak, responsible parenting, fertility awareness and family planning at threats to Filipino family.

Ayon kay Allan Bantac isa sa mga benepisyaryo ng programa mula sa Brgy Allab, โ€œNalipay ko ug dako kay naka attend ko ani nga seminar kay daghan ko ug nakat-unan bahin sa relasyon namo nga magtiayon.โ€

Pinasalamatan din nito ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo Mendoza sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad dahil

maliban sa pagpapatibay ng relasyon nilang mag-asawa nagbigay din ito ng pagkakataon sa kanila na mas lalo pang maintindihan ang kanilang papel bilang mga magulang sa kanilang tatlong anak.

Ang programang ito ng POPGAD ay bahagi ng adbokasiya ni Governor Mendoza na patatagin ang pamilyang Cotabateรฑo na siyang pangunahing yunit ng isang matatag na sosyedad.

Pagkatapos ng dalawang araw na seminar ay namahagi rin ng tig 10 kilong bigas para sa mga benepisyaryo ang probinsya.

Magsasagawa din ng kahalintulad na aktibidad ngayong linggo ang POPGAD sa Brgy. San Miguel, Katipunan, at Gambudes sa nasabi pa ring bayan.//idcd//Photo Credit:PGO-POPGAD//