Amas, Kidapawan City| Nobyembre 8, 2022 – Pinarangalan kahapon Nobyembre 8, 2022 ang mga kooperatiba mula sa iba’t ibang bayan ng probinsiya sa isinagawang Cooperative Congress Awarding Ceremony ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Development Office (PCDO).
Personal din na nakiisa sa nasabing okasyon si Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo-Mendoza kung saan binati at pinasalamatan nito ang kanilang pagsusumikap na mapaunlad ang kani-kanilang kooperatiba. Tiniyak din nito ang patuloy na suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga kooperatiba upang makamit nito ang kanilang adhikain na makatulong sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.
Bilang panauhing pandangal, nagbigay din ng mensahe si Cooperative Development Authority Assistant Secretary Virgilio Lazaga kung saan hinikayat nito ang mga partisipante na magpursige upang maging globally competitive ang mga kooperatiba ng lalawigan ng Cotabato.
Ang mga kooperatibang tumanggap ng parangal sa iba’t ibang kategorya ay ang sumusunod:
๐๐ช๐ฉ๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐พ๐ค๐ค๐ฅ๐๐ง๐๐ฉ๐๐ซ๐ ๐๐๐๐
Micro Coop Category- Kidapawan Pangkabuhayan Marketing Cooperative
Small Coop Category – Sumbac MPC
Medium Coop Category- Paglaum Consolidated MPC
Large Coop Category- Sta. Catalina Credit Cooperative (Abe Kidapawan area only)
๐๐ช๐ฉ๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐พ๐ค๐ค๐ฅ๐๐ง๐๐ฉ๐๐ซ๐ ๐๐๐๐๐๐ง – Rodolfo Baldevieso Chairperson KCDOTREMCO
๐๐ช๐ฉ๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐๐ก ๐พ๐ค๐ค๐ฅ๐๐ง๐๐ฉ๐๐ซ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ง (๐๐พ๐) – Juvy Pedroso MCO Tulunan
๐๐๐ก๐ก ๐ค๐ ๐๐๐ข๐ – Cotabato Provincial Government Employees and Retirees Multi-Purpose Cooperative (Small Category Winner 2019-2021)
๐๐ช๐ฉ๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ข๐๐ฃ ๐๐ฃ ๐พ๐ค๐ค๐ฅ๐๐ง๐๐ฉ๐๐ซ๐
Large Cooperative Category – Maria Fe Pineda
Medium Cooperative Category -Christine Pun-an
Ang pagbibigay ng parangal sa mga kooperatiba sa lalawigan ay bahagi ng kulminasyon ng selebrasyon ng cooperative month na may temang, KooPinas: Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama-samang Pag-unlad.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Cooperative Development Authority (CDA) Assistant Secretary Pendatun Disimblan, CDA Region XII Regional Director Elma Oguis, 1st District Board Members Sittie Eljorie Antao-Balisi at Roland Jungco, 3rd District Board Members Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc at Joemar Cerebo, at si Provincial Indigenous Peoples Mandatory Representative Arsenio Ampalid.//๐ช๐ฅ๐ค๐ฅ-๐ฑ๐จ๐ฐ//