๐Ÿ“๐Ÿ’๐ŸŽ ๐ง๐š ๐ฌ๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐œ๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง๐ฌ ๐ง๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐„๐ฅ๐๐ž๐ซ๐ฅ๐ฒ ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

Amas, Kidapawan City | Nobyembre 8, 2022 – Pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang pagtatapos ng isinagawang Culmination Day ng Elderly Filipino Celebration 2022 na ginanap nitong Huwebes, Nobyembre 4, 2022 sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City na dinaluhan ng 540 senior citizens mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Sa kanyang mensahe, inilahad ni Governor Mendoza na ang pamahalaang panlalawigan ay naglaan ng pondo upang matulungan at masuportahan ang mga senior citizens ng probinsya lalo na sa aspeto ng kalusugan at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga ito.

Binigyang diin din niya na kinakailangang makipag-ugnayan ang mga senior citizens sa mga ahensya ng gobyerno upang magkaroon ng “transparency” sa pamamahagi ng kanilang social pensyon na natatanggap mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Isang pagsaludo naman para sa nakakatandang Cotabateรฑo ang ipinaabot DSWD XII Regional Director Loreto V. Cabaya kung saan sinabi nitong mula sa P500.00 social pension kada buwan na natatanggap ng mga indigent senior citizens, itataas na ito ng P1,000.00 kada buwan batay na rin sa mandato ng pamahalaang nasyunal.

Ang Social Pension Program for Indigent Sr. Citizens ay isang programa ng DSWD na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na lolo at lola na magkaroon ng pambili ng kanilang pangunahing pangangailangan gaya ng gamot, pagkain at iba pa.

Kasabay ng aktibidad ay pinangunahan din ni Gov. Mendoza ang oathtaking ng mga bagong halal na opisyal ng Cotabato Office of the Senior Citizens Affairs.

Dumalo din sa nasabing aktibidad sina Board Member Joemar Cerebo, Board Member Ivy Dalumpines-Ballitoc, League of IPMR President Arsenio Ampalid, Acting PSWDO Arleen A. Timson, at iba pang kawani ng PSWDO.//idcd-pgo//