Pigcawayan, Cotabato| Nobyembre 8, 2022-Sa kabila ng krisis na naranasan dulot ng bagyong Paeng, panibagong pag-asa ngayon ang nababanaag ng mga residente ng ilang barangay sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato na naapektuhan ng nasabing kalamidad.
Ito ay matapos nilang makita ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan na nagsama sama upang matulungan silang makabangon sa trahedyang dulot bagyo.
Nitong Biyernes,Nobyembre 4, 2022 kasama si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza, Department of Social Welfare and Development Office XII Loreto V. Cabaya, Jr., Provincial board members at lokal na mga opisyal personal na bumisita si Presidential Sister at Senator Imee R. Marcos sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato.
Pinangunahan ni Marcos ang pamamahagi ng cash assistance 500 benepisyaryo mula sa 12 barangay ng bayan na nagkakahalaga ng P2.5M o tig P5,000.00 bawat pamilya at family food packs mula sa tanggapan ng DSWD at pamahalaang panlalawigan.
Sinabi rin nito na ang bawat pamilya sa bayan na ang mga bahay ay totally ang partially damaged dahil sa bagyo ay makakatanggap ng Php10,000 tulong mula sa DSWD.
Makakatangap din ng tig P5M pondo mula sa Department of Agriculture ang limang mga munisipyo na nakapagtala ng malaking pinsala sa agrikultura na kanilang magagamit sa pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka. Ang nasabing mga bayan ay kinabibilangan ng Aleosan, Libungan, Kabacan, Pigcawayan at Midsayap.
Ito ay maliban pa sa inilaang P20M pondo na ipamamahagi sa higit 9,000 pamilya na naapektuhan ng bagyo sa probinsya.
Labis naman ang pasasalamat ni Pigcawayan Mayor Juanito Agustin sa agarang tulong at pagresponde ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang nasyunal sa pangangailangan ng kanyang mga kababayan.
Masaya naman si Governor Mendoza na sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdaanan ng probinsya sa mga nagdaang taon napatunayan nito ang tatag at tibay ng bawat Cotabateรฑo sa pagharap ng anumang hamon ng panahon.//idcd//