๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐Œ๐ž๐ง๐๐จ๐ณ๐š ๐ง๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐ข๐ค๐ญ๐ข๐ฆ๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ž๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง

Amas, Kidapawan City| Nobyembre 8, 2022- Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza sa mga indibidwal, ahensya at organisasyon na nagpaabot ng kanilang tulong sa mga nasalanta ng ng Bagyong Paeng sa lalawigan.

Kung matatandaan, nitong nakaraang linggo isa sa mga lugar na labis na naapektuhan ng pagbaha dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng nasabing bagyo ay ang unang Distrito ng probinsya.

Batay sa Situational Report No. 13 na inisyu ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), as of November 2, 2022, nakapagtala ng abot sa 9,890 pamilya ang naapektuhan ng nasabing kalamidad mula sa mga bayan ng Alamada, Aleosan, Libungan, Midsayap, Pigcawayan at Kabacan, Cotabato.

Tinatayang nasa Php53M naman ang danyos sa agrikultura kung saan abot sa 2,685 ektaryang lupain ng 1,886 rice and corn farmers ng probinsya ang na apektuhan. Samantala, 69 na bahay naman ang naitalang totally damaged at 262 ang partially damaged sa bayan ng Pigcawayan.

Sa kabila ng kapinsalaang dulot ng Bagyong Paeng sa lalawigan, malaki pa rin ang pasasalamat ni Governor Mendoza dahil sa pagbuhos ng tulong para sa mga Cotabateรฑong nangangailangan.

Sa kanyang pagbisita sa mga evacuation sites nitong Linggo personal na pinasalamatan ni Mendoza Department of Social Welfare and Development (DSWD) XII, Department of Health (DOH) XII, USM Student Affairs, Department of the Interior and Local Government (DILG) XII, General Santos Police Station, Office of Senator Bong Go, Office of the President, ibaโ€™t ibang police stations ng lalawigan at iba ng pang grupo at indibidwal sa pagpapaabot nito ng relief assistance sa mga apektadong residente.

Nagpasalamat din ito sa mga local government officials at maging sa mga responders sa maagap nitong pagresponde sa panahon ng pangangailangan.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang gobernadora sa pamilya ni Ginang Adila Cedeรฑo, matapos itong malunod sa rumaragasang tubig baha sa Brgy. Balogo, Pigcawayan, nitong Biyernes, Oktubre 28, 2022. Bilang tulong sa pamilya ng biktima sinagot din nito ang pagpapa-cremate ng bangkay ni Cedeรฑo.

Sa ngayon ay patuloy naman ang ginagawang validation ang assessment ng tanggapan ng PDRRMO, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Office of the Provincial Agriculturist at iba pang opisina ng pamahalaang panlalawigan upang matulungang makabangon ang mga Cotabateรฑong nasalanta ng bagyo sa unang distrito ng lalawigan//idcd//