Amas, Kidapawan City โ Naghahanda na ngayon ang pamahalaang panlalawigan sa liderato ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza upang mapabilis ang planong operasyon ng 240-seater Hybrid Electronic Road Train (HERT) sa lalawigan.
Ang HERT ay isang eco-friendly na alternatibong sasakyan na gawa ng Department of Science and Technology (DOST) – Metals Industry Research and Development Council (MIRDC) na nagkakahalaga ng 47 milyong piso at nakatakdang ibibigay ng DOST XII sa probinsiya ng Cotabato.
Ayon sa direktiba ni Governor Mendoza, nagsagawa ang Task Force HERT sa pamumuno ni Office of the Provincial Planning and Development Coordinator Cynthia D. Ortega ng coordinative meeting at on-site inspection sa HERT kasama sina DOST Cotabato Provincial Director Michael T. Mayo at DOST-MIRDC Executive Director Engr. Robert Dizon.
Naroon din sina 3rd District Board Members Ivy Dalumpines-Balitoc at Joemar Cerebo bilang kinatawan ng gobernador, Provincial Accountant Marelyn Balagot, Acting Provincial Treasurer Gail Untal, Provincial General Service Office Jorge Silva at mga representante mula sa Provincial Engineerโs Office. Ang nasabing aktibidad ay ginawa nito lamang Martes October 11 sa General Santos City kasabay ng Regional Science and Technology Week (RSTW) ng DOST XII.
Batay sa datus mula sa OPPDC, sinimulan na rin ngayong Lunes October 17 hanggang October 18 ang dalawang araw na masusing physical assessment sa tren na kasalukuyang nakalagak sa General Santos City upang tingnang mabuti ang estado nito bago pa ilipat sa probinsiya. Kasama sa assessment team ang mga eksperto mula sa DOST-MIRDC at Provincial Engineerโs Office.
Pagkatapos ng nasabing inspeksiyon, kailangan ring magsagawa ng assessment sa rutang dadaanan ng tren mula General Santos pati na rin sa Kidapawan City โ Matalam na identified route ng HERT sa lalawigan.
Bago pa ang nabanggit na mga aktibidad, nakapagsagawa na rin ng konsultasyon sa mga transport groups ang Task Force na naging positibo naman ang tugon hinggil sa nasabing operasyon ng HERT. Ang implementasyon ng nasabing proyekto ay inaasahang makakatulong upang lalo pang mapaunlad ang turismo at ekonomiya sa probinsiya.//idcd// Photo credit: BM Ivy D. Balitoc and PPDO