๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐—  ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†-๐—–๐—ฎ๐˜€๐—ต-๐—ณ๐—ผ๐—ฟ-๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ

Amas, Kidapawan City| Oktubre 14, 2022-Sumailalim ngayong araw sa isang orientasyon hinggil sa KALAHI-CIDSS Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay-Cash-for-Work (KKB-CFW) Program ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ang mga barangay officials ng dalawampung (20) barangay ng Pikit, Cotabato na hindi napapabilang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang bayan ng Pikit ay makakatanggap ng abot sa P20M pondo mula sa DSWD Field Office XII na magagamit sa implementasyon ng KKB-CFW Program.

Sa nasabing aktibidad ay ipinaliwanag ni DSWD Regional Program Management Office XII Abdullah R. Lilangan sa mga benepisyaryong barangay ang mga mahahalagang impormasyon at alituntunin tungkol sa pagpapatupad ng programa.

Sa kanyang mensahe, bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza pinasalamatan ni 1st District Board Member Sittie Eljorie Antao-Balisi ang suporta ng DSWD XII sa mamamayan ng probinsya lalo na sa mga pamilyang nangangailangan ng interbensyon na isa sa tinututukan ng kasalukuyang administrasyon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Pikit Municipal Treasurer Ariel Cabaรฑog, kinatawan ni Mayor Sumulong Sultan sa tulong ng DSWD XII at pamahalaang panlalawigan sa bayan ng Pikit.

Ang Kapitโ€Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) KKB-CFW ay isang programa ng pamahalaang nasyunal sa pangunguna ng DSWD na may layuning tulungan ang mga low income families, returning overseas workers, vulnerable sectors at indibidwal na naapektuhan ng pandemya at kalamidad na mabigyan ng temporaryong trabaho at cash grant upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Personal ring dinaluhan ni DSWD Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr. ang aktibidad kung saan binigyang diin nito na kailangang sundin ng mga recipient barangays ang guidelines na itinakda ng ahensya sa pagpili ng benepisyaryo at pag implementa ng programa.

Dumalo rin sa aktibidad sina Cotabato Police Provincial Director Harold S. Ramos, LTC Rommel T. Mundala, PMAJ Tristan Nara, at Former Board Member Rosalie Cabaya.//idcd//