Arakan, Cotabato- Isang masayang araw para sa mga residente ng Brgy. Anapolon, Arakan, Cotabato matapos itong bisitahin ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan nitong Miyerkules, Oktubre 12, 2022 upang mabigyan ng serbisyo sa pamamagitan ng Serbisyong Totoo Caravan sa pangunguna ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).
Hindi maikubli ng mga opisyales at residente ng naturang barangay ang kanilang kagalakan matapos ianunsyo ni Department of the Interior and Local Government Provincial Representative Vita Gumahad na makakatanggap ng P10 milyong pondo mula sa Support to Barangay Development (SBDP) ng (NTF-ELCAC) ang Brgy. Anapolon na magagamit nito sa pagpapatayo ng bagong school building at pagpapakonkreto ng kanilang barangay road.
Ang barangay Anapolon ay pang anim na barangay na nabisita ng PTF-ELCAC sa ilalim ng pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza kung saan nauna ng nakabenepisyo nito ang barangay Tuburan sa bayan ng Tulunan, Salat and F. Cajelo sa Pres. Roxas at Malire and Kiyaab sa munispyo naman ng Antipas.
Dumalo rin sa aktibidad sina Provincial Councilor’s League Federation President Board Member Rene Rubino, Provincial IP Mandatory Representative Timuey Arsenio Ampalid, Arakan Mayor Jeam D. Villasor, Vice Mayor Girlie Tuble, Brgy. Chairman Jhonny B. Samillano, 72nd IB, Charlie Company 1Lt Jessal Masareta, Cotabato Police Provincial Office Deputy Chief for Administration PCol Lauron Espida, Provincial ELCAC Focal Person Edgar Visabella, department heads, at representante mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.//idcd-pgo//