๐‘ด๐’๐’๐’Š๐’•๐’๐’“๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’„๐’‚๐’”๐’‰ ๐’‡๐’๐’“ ๐’˜๐’๐’“๐’Œ ๐’ˆ๐’Š๐’๐’‚๐’˜๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’Š๐’”๐’Š๐’๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’…๐’‚

October 7,2022| Nagsagawa ng monitoring ang pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng liderato ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza kasama ang mga kinatawan mula sa regional at provincial offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Cash For Work program na naglalayong bigyan ng tulong pinansyal ang mga benepisyaryo na nagsagawa ng community service tulad ng pagsasa-ayos ng mga lokal na imprastraktura, pagsasagawa ng tree growing activities, paglilinis sa mga pampublikong lugar, at iba pa.

Bukod sa monitoring na ginawa nitong Martes, October 4, 2022, namahagi rin ang probinsya ng 700 mahogany at bayok seedlings para sa Banisilan at 600 seedlings naman sa bayan ng Alamada katuwang ang Provincial Environment and Natural Resources (PENRO) Cotabato.

Sa panayam sa isa sa benepisyaryo ng cash-for-work program na si Ginang Remedios Davin, 52, ng Brgy. Kiaring, Banisilan, nagpasalamat ito sa tulong para sa kanila na kapos sa buhay liban sa nakatulong din sila sa kanilang barangay.

Ang mga benepisyaryo ay poor but deserving Cotabateรฑos na kinabibilangan ng farmers, PWDs, 4Ps beneficiaries, women’s association at iba pa. Sila ay magtatrabaho sa kanilang mga barangay sa loob ng sampung araw at makakatanggap ng P336/day o may kabuoang halaga na P3,360 na ibibigay ngayong buwan ng Oktubre.//idcd-pgo//