Pasasalamat ang ipinaabot ng 202 na katutubo mula sa mga bayan ng Pigcwayan, Carmen, Aleosan at Libungan matapos nitong makatanggap ng 12,120 fruit tree seedlings mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ang nasabing seedlings ay kinabibilangan ng mangosteen, durian, rambutan at lansones na nagkakahalaga ng abot sa P399,960 na ipinamahagi nitong Setyembre 22-23, 2022 ng Provincial Governor’s Office-IP Affairs sa Brgy. Liliongan, Carmen; Tomado Aleosan; Kimarayag at Renebon, Pigcawayan at Grebona, Kapayawi at Kitubod, Libungan.
Ayon kay Julieta Enopia, isang benepisyaryo mula sa Brgy. Kapayawi, malaki ang maitutulong sa kanila ng fruit trees na ipinamahagi ng probinsya dahil maaari itong mapagkukunan ng kanilang kabuhayan.
Aniya, “Nagapasalamat kami sa programa sa atoang mahal na gobernadora Lala Taliño Mendoza tungod sa iyang dakong gugma sa amoang mga IPs.”
Maliban sa pasasalamat sa tulong sa kanyang nasasakupan, umaasa naman si Renebon, Pigcawayan Chairman Lilita Mancap na aalagaan ng mga benepisyaryo ang mga pananim na ibinigay sa kanila upang magbunga ito na maaari nilang mapagkunan ng kanilang pagkakakitaan.
Ang pamamahagi ng high value crops sa mga IP communities ay bahagi ng Special Projects for IP ng PGO-IP Affairs at Office of the Provincial Agriculturist.//idcd//Photo Credit: PGO-IP Affairs//