Personal na sinaksihan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang pagtatapos sa TESDA Driving NC II ng 22 indibidwal mula sa bayan ng Matalam, Cotabato.
Sa isinagawang graduation program nitong Martes, Setyembre 27, 2022 pinasalamatan ni Mendoza ang Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) sa pagbibigay ng libreng training para sa mga indibidwal na nais matutong magmaneho.
Sinabi rin nito na ang ahensya ay naglaan din ng pondong abot sa P10M para sa mga Cotabateñong nais kumuha ng TESDA courses at kasalukuyan na itong pinoproseso ng kanyang opisina.
Binati rin nito ang mga estudyanteng nagtapos at umaasang ang natutunan at certificate mula sa TESDA ay magagamit nila sa kanilang paghahanap ng trabaho.
Ang graduation program ay ginanap sa Matalam Polytechnic College Social Hall, Brgy. Poblacion, Matalam, Cotabato at dinaluhan nina Matalam Vice Mayor Ralph Ryan H. Rafael, Municipal Councilors April Babol and Christopher Baracca, TESDA Supervising Specialists Engr. Franklin Beltran, MPCI School Director Luela R. Bauzon, at MPCI School Principal Emma B. Nicor.//idcd/photo credit Sidney Nanini//