Isa sa mga tinalakay sa Peace and Order Council (PPOC) Meeting na pinangunahan nitong Lunes, Setyembre 26, 2022 ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ay ang insidente ng mga pamamaril sa bayan ng Pikit, Cotabato.
Sa presentasyon ni Police Provincial Director Harold S. Ramos mula Enero hanggang Setyembre 2022 nakapagtala ng 21 insidente ng pamamaril sa bayan.
Batay sa datos ng PNP, sa 21 shooting incidents 7 rito ang nagsampa ng kaso at na irefer na sa prosecutor, samantalang 14 naman dito ay itinuturing ng solved cases dahil ang pamilya ng mga biktima ay wala ng planong maghabla at magsampa ng kaso.
Sa kanyang mensahe, hiniling ni Pikit Mayor Sumulong K. Sultan sa PPOC na mas paigtingin pa ang police at military visibility sa kanyang nasasakupan. Binigyang diin din nito na kailangang ipatupad ang full force of the law sa bayan upang matuldukan na ang serye ng pamamaril.
Sinang ayunan naman ito ni Governor Mendoza at maghahain ng resolusyon ang PPOC upang agarang maaksyunan ang kahilingan ng alkalde.
Plano rin nitong ibalik ang balik baril program katuwang ang PNP at military at hinikayat ang mga LGUs na makiisa sa programa dahil nakahandang magbigay ng insentibo ang provincial government na makakapag turnover ng loose firearms.//idcd-pgo//