eptember 5, 2022 | Amas, Kidapawan City – Abot sa 1,217 pamilya ang natulungan ng pamahalaang panlalawigan nitong Lunes sa isinagawang relief operation para sa mga biktima ng pagbaha.
Nakatanggap ng tig sampung kilong bigas ang bawat pamilya mula sa Brgy. Inug-ug, Pikit na naperwisyo ng pagbaha sanhi ng malakas na pag-ulan nitong nakaraang buwan.
Laking pasasalamat ni Inug-ug Punong Barangay Arlene M. Maguid kay Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa pagtugon nito sa pangangailangan ng kanyang mga kababayan na labis na naapektuhan ng pagtaas ng tubig.
Bilang kinatawan ni Governor Mendoza, ipinaabot naman ni 3rd District Board Member Sittie Eljori Antao-Balisi ang pasasalamat sa pagsuporta ng mga residente ng nasabing barangay sa mga programa ng Serbisyong Totoo.
Kung matatandaan noong August 7, 2022 ay nagsagawa rin ng relief operation ang pamahalaang panlalawigan sa Barangay Silik at Dalingaoen, Pikit kung saan abot sa 649 na pamilya ang nabigyan rin ng tig sampung kilong bigas.
Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sa tulong ng Pikit Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang nasabing aktibidad na ginanap sa Covered Court ng nasabing barangay.//idcd//