Bago pa man ang talumpati ng Pangalawang Pangulo ng bansa, nagbigay din ng kanyang mensahe si Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza kung saan tulad ng bise presidente ay binalikan din nito ang una nang nabanggit na mga hamon sa lalawigan lalo na ang pandemiya na dahilan ng pagkansela ng mga pagtitipon tulad ng Kalivungan at ngayon, matapos ang dalawang taon ay maituturing na isang “beautiful comeback” para sa lalawigan na sinubok ang lakas at determinasyon ng kasalukuyang panahon.
Sa muling pagbabalik ng selebrasyon ng Kalivungan Festival na may temang “Matatag na Cotabato susulong sa anumang hamon” nagbigay-pugay ang nagbabalik rin na gobernadora sa kakayahan at pagkakaisa ng bawat Cotabateño at isang pagkakataon aniya ang selebrasyon ngayon upang ipakita ang mga minimithi, hangarin at taglay na lakas ng bawat isa sa gitna ng mga unos at pagsubok.
“108 years and we gather once more to start yet again to begin another chapter in our continuing story and history as individuals and as a people brought together by a common goal, a better progressive Cotabato for each and every individual who call this province home.”
“If we really have to achieve a “Matatag na Cotabato na susulong sa anumang hamon”, now is the time to gather our strength and review our past how much have we learned from it, did our actions or attitudes make us realize what we did right or wrong.”
“Learning and doing something about is the key to recovery and stability. Let this gathering be a path to discovery of what we truly hold here, value and adhere to. Let Serbisyong Totoo light this path to a matatag na Cotabato na handang sumulong sa anumang hamon where no one is left at the side lines and everyone is benefited by whatever progress we achieve,” pagtatapos nito.
Dumalo rin sa nasabing okasyon ang matataas na opisyal sa probinsiya, mga alkalde sa lalawigan, mga bisita mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at marami pang iba.
Bago pa man ang “Araw ng Cotabato” culmination program, isang banal na misa rin ang isinagawa sa St. John Paul II Parish-Amas sa pangunguna ni Most Rev. Jose Colin Bagaforo, D.D. ng Diocese of Kidapawan.//idcd//