Amas, Kidapawan City – “Pagkakaisa sa kabila ng ating pagkakaiba.” Ito ang naging buod ng mensahe ni Vice President Sara Z. Duterte para sa lahat ng Cotabateño bilang Panauhing Pandangal sa isinagawang culmination program ng isang linggong pagdiriwang ng ika-108 na anibersaryo ng probinsiya ngayong araw.
Sa harap ng libu-libong Cotabateñong dumalo sa “Araw ng Cotabato”, binalikan ng Pangalawang Pangulo ang malalaking hamon na hinarap ng probinsya at ng buong bansa tulad ng serye ng pagyanig noong 2019 at pandemiya na nagsimula nitong 2020 na aniya’y nagdulot ng malaking dagok sa ekonomiya, kabuhayan ng mamamayan at maging sa larangan ng edukasyon. Ngunit sa kabila nito aniya ay patuloy pa rin tayong bumabangon bilang isang probinsiya at patunay nito ang malawak na partisipasyon ng mga Cotabateño sa Kalivungan Festival.
“Today, we show that we are treading the road to recovery. This should not be a lonely road. This should be a collective learning, our journey together that even when we face challenges and threat, we do not falter, we do not stop, and surrender to fear, to disappointment, to energy and forces that injure or break our spirit as a nation. Instead, we are braver, bolder, and stronger because we have each other. Unity at the heart of the Kalivungan Festival is the unity among the people of Cotabato, who have been embolden by the unwavering strength that deeply bind them together.”
Binigyang diin din nito na hindi dapat hayaan ang sinuman o ano pa man na makakasira sa ating pagbubuklod, o maging hadlang ang ating pagkakaiba ng tribu, relihiyon at paniniwala, katayuan sa buhay at ang mga naranasang armadong kaguluhan noon upang tayo ay magtulungan tungo sa iisang hangarin bilang isang probinsiya at isang bansa – ang kaunlaran at kapayapaan para sa lahat.
“We should sustain the gains of the friendship and unity we have forged despite our diversity and ensure that the next generation of Cotabateños will be able to experience the abundance of our resources, our culture and the harmonious and peaceful life we have today. Kalivungan festival is a beautiful opportunity for us to renew and strengthen the unity that has brought us all where we are today.”
Nagpasalamat din si VP Sara sa lahat ng Cotabateño, lalo na kay Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa pangalawang oportunidad na binigay sa kanya na maging bahagi ng Kalivungan Festival na nagbigay din sa kanya ng pagkakataon na personal na magpasalamat sa suporta sa kanila ng mamamayan sa nakaraang halalan.
Binati din ni VP Sara, na siya ring Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ang lahat ng mga lumahok sa Drum and Lyre Exhibition mula sa walong paaralan at tatlong grupo ng cultural and dance performance sa lalawigan at binigyan ng P30,000.00 para magamit upang pagyamanin pa ang kanilang kakayahan.
Bago pa nito, namigay din ang bise presidente ng 500 bags na may school supplies sa mga estudyante mula sa Kidapawan City at Matalam at 1,000 grocery packs sa mga kababaihan.//idcd-pgo//