7 LGUs sa Probinsya ng Cotabato ginawaran ng parangal mula sa National Anti-Drug Abuse Council

Amas, Kidapawan City- Ginawaran ng parangal ng National Anti-Drug Abuse Council (NADAC) ang ilang bayan sa probinsya ng Cotabato dahil sa mahusay na implementasyon nito ng anti-drug abuse campaign sa lalawigan.

Kabilang sa mga local government unit (LGU) na binigyan ng Marker na pirmado ni Department of Interior And Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ay ang mga sumusunod:

• Kidapawan City, 2019 at 2020 Awardee;

• Bayan ng Midsayap, 2019 Awardee;

• Bayan ng Magpet, 2019 at 2020 Awardee;

• Bayan ng Pres. Roxas, 2019 at 2020 Awardee;

• Bayan ng Alamada, 2020 Awardee;

• Bayan ng Arakan, 2020 Awardee; at ang

• Bayan ng Carmen, 2020 Awardee.

Nagbigay din ang pamahalaang panlalawigan sa mga awardees ng cash incentives na nagkakahalaga ng P57,500 bawat LGU; habang tig P10,000 cash incentive din ang binigay ng probinsya sa Brgy. Dado at Brgy. Malitubog ng Alamada, Brgy. Don Panaca ng Magpet, Brgy. New Cebu at Brgy. Poblacion ng President Roxas, Brgy. Manubuan ng Matalam, Brgy. Ugpay, Brgy. Magallon at Brgy. Poblacion ng M’lang at Brgy. Nes ng Midsayap dahil sa maayos rin nitong pagpapatupad ng mga programa sa pagsugpo ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.

Pinangunahan ni DILG Provincial Director Ali B. Abdullah kasama sina Board Member Jonathan M. Tabara, bilang representante ni PPOC Vice Chair at incoming Governor Emmylou “Lala”at Taliño-Mendoza, at PDEA Provincial Officer IAV Neil Joyce Liansing ang pagbigay ng nasabing award na ginawa kasabay ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) Regular Meeting kasama si outgoing PPOC Chair Governor Nancy A. Catamco via zoom nitong araw ng Martes, Hunyo 28, 2022 sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City.

Bilang outgoing chairman, binigyan din ng plaque of appreciation at tokens si Governor Catamco ng mga myembro ng konseho tulad ng DILG Provincial Office, DPWH-Cotabato 1st Engineering District, DepEd Kidapawan City at Cotabato Division, 602nd Infantry Brigade, 72nd Infantry (Gabay) Battalion, 10th Infantry (AGILA) Division, Bureau of Fire Protection at Department of Trade and Industry provincial offices bilang pagkilala at pasasalamat sa pamumuno ni Governor Catamco sa Probinsya ng Cotabato.

Dumalo sa nasabing pagpupulong ang ilang local chief executives mula sa iba’t ibang LGU sa probinsya na sina mayors Rene V. Rubino ng Arakan, Romeo D. Araña ng Midsayap, at Reuel P. Limbungan ng Tulunan, PNP Provincial Director PCol Harold S. Ramos, mga representante mula sa Philippine Army at PNP, at iba pang mga stakeholders.//idcd-pgo//