SPES orientation and contract signing isinagawa

During the Special Program for the Employment of Students (SPES) orientation and contract signing held at the Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City.

Amas, Kidapawan City (Marso 31, 2022)- Pormal nang sumailalim ngayong araw, Marso 31, 2022 sa orientation at contract signing ang 174 kwalipikadong benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) para sa taong 2022.

Ang nasabing programa ay may layuning mabigyan ng trabaho ang mga estudyante sa panahon ng bakasyon upang kumita na maaari nilang magamit na pantustos sa kanilang pagbabalik skwela.

Ayon kay Provincial Administrator Venancio B. Ang, representante ni Governor Nancy A. Catamco ang SPES ay programang taunang ipinapatupad ng probinsya na may layuning matulungan ang mga poor but deserving students na magkaroon ng pagkakakitaan sa panahon ng bakasyon sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Nabanggit din nito na ang kahalagahan ng karanasang na makukuha ng mga SPES beneficiaries na makakatulong upang mas madagdagan pa ang kanilang kaalaman.

Nagpasalamat naman si DOLE North Cotabato Field Office XII Provincial Director Marjorie Latoja sa suporta ng pamahalaang panlalawigan sa lahat ng programa na ipinapatupad ng DOLE sa probinsya.

Ang bawat SPES beneficiary ay makakatanggap ng P547 na arawang sahod kung saan sa higit P2.6M inilaang pondo 60% nito ay mula sa provincial government at 40% naman ay mula sa DOLE.

Ang aktibidad ay isinagawa sa Provincial Capitol Gymnasium,Amas, Kidapawan City na pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office sa ilalim ng pamumuno ni PHRMO Head Erlinda B. Catalan.//idcd-pgo//