Pagbabakuna sa mga pediatric A3 with comorbidities inumpisahan na sa lalawigan ng Cotabato

Amas, Kidapawan City- Pormal nang inumpisahan nitong araw ng Biyernes, Oktubre 29,2021 ang pagbabakuna sa mga batang 12-17 years old with comorbidity o peadiatric A3 category sa lalawigan ng Cotabato.

Personal na sinaksihan ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco ang pagbabakuna sa limampung indibidwal na napapabilang sa pediatric A3 na isinagawa sa Cotabato Provincial Hospital (CPH), Amas, Kidapawan City.

Hinikayat din ng gobernadora ang mga magulang ng mga batang may edad 12-17 years old na ipalista na ang kanilang mga anak upang maproteksyunan din ang mga ito kontra Covid-19.

Kasama rin sa nasabing aktibidad si Board Member Philbert Malaluan, Integrate Provincial Health Officer Dr. Eva C. Rabaya, CPH Head Dr. Joel Nelton Sungcad.

Ang nasabing aktibidad ay kasabay sa isinagawang simultaneous na pagbabakuna sa 4 pang pilot testing hospitals sa rehiyon 12 na kinabibilangan ng Dr. Jorge Royeca Hospital sa General Santos City; South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City; Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan; at Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City.//idcd-pgo//