Amas, Kidapawan City (August 31, 2021) – Kasabay ng pagdiriwang ng 107th Founding Anniversary ng Probinsya ng Cotabato, pinarangalan ngayong araw ang mga empleyadong mahigit isang dekada nang nagsilbi bilang kawani ng pamahalaang panlalawigan.
Abot sa 178 na mga empleyadong nakapagsilbi na 10, 15, 20, 25, 30, 35, at 40 taon sa pamahalaang panlalawigan ang nakatanggap ng bronze,silver at gold loyalty pin, plaque of recognition at cash incentive bilang pagakilala sa kanilang katapatan sa serbisyo sibil.
Lubos namang pinasalamatan ni Governor Nancy A. Catamco awardees sa kanilang pagmamahal at dedikasyon sa pagsisilbi sa bayan.
“Ang aking pagsaludo at pagrespeto sa ating mga manggagawa sa ipinakita nilang galing at husay sa pagbibigay serbisyo sa gobyerno lalo na ngayong panahon ng pandemiya,” wika ni Governor Catamco.
Nagbigay pugay din ang gobernadora sa iba pang kawani lalo na ang mga frontliners sa kasalukuyang pandemiya, na ayon sa kanya ay ang ating makabagong bayani sa kasalukuyang henerasyon at panahon.
Tumanggap rin ng natatanging parangal ang sumusunod:
Ms. Reinalyn Nicolas,.Ph.D bilang Public Employment Service Office (PESO) Manager with Highest Placement Rate in Region XII and Best TUPAD Implementation awarded by Department of Labor of Employment;
Ms. Aurora P. Nebrija 2021 Leadership Awardee Search for Gawad Parangal sa Natatanging Tagapanagsiwa at Tagapanglingkod sa Pampublikong Aklatan na iginawad ng National Library of the Philippines;
at Cotabato Provincial Hospital (CPH) bilang 1st Placer sa Best in the Philippines in Rifampicin Resistant TB Interim Outcome and Top Performing Facility in DTRTB Success Rate na iginawad ng World Organization Health (WHO).
Ang pagpaparangal o Awards Day ay taunang ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato na pinangungunahan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO).
Ngayong taon, ginanap ito sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City.//idcd-pgo//
One thought on “Provincial government employees pinarangalan sa mahigit dekadang paglilingkod”
Great job!!! More power!