Governor Catamco pinangunahan ang pag turn-over ng P2.3M covered court sa bayan ng Midsayap

Personal na itinurnover ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco sa mga opisyal ng Brgy. Central Glad Midsayap, Cotabato ang P2.3M worth na covered court project na pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato.

Labis ang pasasalamat ni Brgy. Central Glad Chairman Vernon Papellera sa proyekto na ibinigay ng provincial government dahil mayroon na silang lugar na maaring pagdausan ng mga importanteng pagtitipon kagaya ng meeting o anumang okasyon sa barangay at magagamit din ito bilang evacuation site sa panahon ng kalamidad.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Governor Nancy A. Catamco na lahat ng proyektong ibinibigay niya sa mga barangay ay dumadaan sa konsultasyon upang matiyak na lahat ng mga programa at proyekto na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan ay naaayon sa pangangailangan ng mga komunidad.

Kapwa naman pinasalamatan ng gobernadora si 1st District Representative Joselito S. Sacdalan at Board Member Dulia D. Sultan sa kanilang walang sawang pagsuporta at pakipagtulungan sa pagbigay ng mga proyektong labis na kinakailangan ng mga mamayan sa lalawigan.//idcd-pgo//