Amas, Kidapawan City (Marso 15, 2021) – Inaasahan ngayon ng Probinsya ng Cotabato ang isang multi-milyong investment na ilalagak dito na magbubukas ng oportunidad sa mga nagtatanim ng mais sa lalawigan.
Ang 250 milyong halaga ng poultry farm na nakatakdang itayo sa bayan ng Banisilan, Cotabato ng ALI Agri-Exim Corp., isang kompanyang nakabase sa Cebu City, ay pinag-usapan nitong Lunes kasabay ng pagpupulong na pinangunahan ni Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Emmanuel F. Piñol kasama si Governor Nancy A. Catamco at mga investors na interesadong magsagawa ng expansion sa lalawigan.
Sa nasabing proyekto, nakitang magiging maganda ang epekto nito sa mga corn producers sa lalawigan kung saan kailanganin ang mas maraming suplay ng mais para nasabing poultry farm.Ayon Kay Provincial Agriculturist Sustaines U. Balanag, base sa pinakabagong datus, may 111,000 ektaryang lupain ang tinatanman ng mais at 44,000 na mga corn farmers ang kasalukuyang nasa lalawigan.
Tinitingnan na ang nasabing mga farmers ang makikinabang sa naturang proyekto.Maliban sa manok, ibinahagi din ni Kalihim Piñol ang pagpapa-igting ng produksyon ng baboy sa lalawigan lalo pa’t dahil sa pandemiya aniya ay lubhang naapektuhan ang suplay ng mga pangunahing pagkain, na dinagdagan pa ng African Swine Fever (ASF) na tumama din sa lalawigan.
Tinitingnan maman ito ni Provincial Veterinarian Rufino Sorupia na isang magandang oportunidad para sa mga hog raisers dahil aniya, bago pa tumama ang ASF, mayroong 220,000 populasyong ng baboy ang Probinsya ng Cotabato ngunit hindi na nangalahati sa ngayon; ito ang isang tinitingnan dahilan ng pagtaas ng presyo ng baboy sa mga pamilihan.
Nagpahayag naman ng kasiyahan, suporta at pasalamat si Governor Catamco Kay Sec. Piñol dahil sa mga magandang balitang dala nito para sa mga magsasaka.
Isang napakagandang oportunidad aniya ang mga napag-usapang investments sa lalawigan kung saan hindi lang ang mga magsasaka at kanilang pamilya ang makakabenepisyo ngunit ang buong agriculture industry ng lalawigan at inaasahang magiging daan upang manumbalik ang sigla nito.
Siniguro naman ni Sec. Piñol na tutulong ang MinDA sa isinagawang data banking provincial goverment upang mabigyan ng mukha ang tunay na kalagayan ng mga magsasaka sa lalawigan na siyang magiging basehan sa mas marami pang proyektong pang-agrikultura para sa probinsya ng Cotabato.
Naroon din sa nasabing meeting at virtual conference si Provincial Planning and Development Coordinator Cynthia D. Ortega, mga lokal at international investors, at marami pang iba.//idcd-pgo//