Inaugural Message: DUMAKI, Kuyog ta!

Amas, Kidapawan City – Governor Nancy A. Catamco delivered her Inaugural Address during her Oath-Taking on June 30, 2019 at the Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City

Below is the full text of Governor Catamco’s Inaugural Address as provided by IDCD-PGO.

* * *

INTRODUCTION

Magandang araw po sa inyong lahat.  Salamat sa inyong pagdalo.

Ako na ang pinakamapalad at pinakamasayang tao sa buong lalawigan sa oras na ito.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Lalawigan ng North Cotabato, isang Manobo ang ika-dalawampu’t-limang Gobernador at pangatlong nahalal na babaeng Gobernador ng North Cotabato.

Nagbunga rin ang ating pagsusumikap at panalangin na pagkalooban ng pagkakataong paglingkuran kayo sa paraang mapang-unawa, mapagkalinga, at higit sa lahat, unifying instead of divisive governance.

Sa ngalan ng aking pamilya, mga kasamahan sa PDP-Laban, mga lideres at tagasuporta, isang maaliwalas at magandang araw sa inyong lahat.

It is WE not I

Mga kapwa ko Cotabateño, it is WE not I.

Pagkatapos kong manumpa sa inyong harapan, natapos na rin po ang aking pagbubunyi sa panalo ko bilang bagong Gobernador ng North Cotabato. Bagamat masarap namnamin ang tagumpay lalo na’t ito ay pinaghirapan, kakambal ng aking panunumpa ang katotohanang hindi na ito tungkol lamang sa akin.

Ang buod ng panunumpa ay ang pagtanggap ng responsibilidad na mamuno. Ang pagtanggap sa katotohanang ang pamumuno ay aksiyon at hindi posisyon.  Samakatuwid,  it is no longer just about me – the task at hand requires united action – meaning, tayong lahat iyon.

DUMAKI, Kuyog Ta!

Simula sa mga sandaling ito, binubuksan ko sa bawat mamamayan ang paanyayang maki-isa at maki-alam sa pagpapalago at pagpapa-angat ng ating lalawigan sa anumang aspeto ng pag-unlad. 

Buong puso kong iniaalay ang aking katapatan sa adhikain ng tunay na pagbabago, DUMAKI, Kuyog Ta – samahan ninyo akong itaguyod ang alituntunin ng pakikipag-ugnayan at pagtutulungan upang malaya nating maipatupad ang participatory governance.

ROADMAP TO NEW GOVERNANCE

Greater Good

Ako ay naniniwala na kapag ang layunin ay para sa ikabubuti ng mas nakararami, ang bawat isa ay kikilos upang ito ay makamtan.

Isang nakalulungkot na pangyayari ang aking personal na nasaksihan noong kampanya kung saan isang pasyente ang hindi nabigyan ng kaukulang medical aid dahil ang pampublikong ospital na pinagdalhan sa kanya ay walang gamot. 

Ano ang nangyari at saan napunta ang budget at alokasyong ng ospital?  Ito ba ay isolated case lamang o talagang pangkaraniwan nang nangyayari?

Magiging pangunahin sa aking administrasyon ang pagsaliksik at pag-evaluate sa ating HEALTH Service at pakikipag-konsultasyon sa ating mga health providers at mga kawani sa ating WALONG pampublikong ospital dito sa lalawigan.

Gawin nating 150-bed capacity ang Cotabato Provincial Hospital na sa ngayon ay nasa 50-bed capacity lang.  Kung may kakulangan sa mga doctor at nurses sa CPH, bakit?  Sapat ba ang sahod nila?

Anong mga hakbangin ang nagawa upang masolusyunan ang problemang ito?  Huwag nating hayaan na maging inferior ang kaledad ng public health care service sa lalawigan.  Cotabateños deserve much better.

Panahon na upang isulong natin ang pag-upgrade ng CPH bilang Regional Hospital upang higit na mapangalagaan ang kalusugan at matugunan ang pangangailangang medical ng bawat Cotabateño lalo na yaong mahihirap. Magdaragdag tayo ng mga dalubhasa sa medisina at wellness.

Huwag sana nating kalimutan na ang serbisyong pangkalusugan ay hindi lamang tungkol sa modernong pasilidad o sa dami ng eksperto sa medisina.  Higit pa riyan ang pakikitungo sa bawat pasyenteng dudulog sa ating mga ospital.  Sana’y maging maayos palagi ang pakikitungo natin sa kanila.

Kaugnay nito ay magtatayo tayo ng one-stop-shop na MALASAKIT CENTER  sa bawat pampublikong ospital at magpapatupad tayo ng malawakang pamamahagi ng Philhealth cards.

Kaakibat ng usaping pangkalusugan ay ang pagkakaroon ng ligtas na tubig inumin. Kaya naman, prayoridad din ng ating administrasyon na pagkalooban ng maayos na pasilidad sa patubig ang mga barangay at malalayong sitio.  

Titiyakin ko sa inyong lahat na ang pamunuang ito ay makikinig sa tunay na sentimiyento ng mamamayan.  Igagalang ang desisyon ng nakakarami sa pag-aproba ng proyektong kanilang  napagkasunduan.

Hindi tayo magdidikta kung anong programa o proyekto ang dapat na mapunta sa barangay.  Mahigpit din nating ipatutupad ang kaakibat na alituntunin ng gobyerno kaugnay ng wastong pag-gamit ng pera ng bayan.

Para mas higit pang mapabuti ang kalagayan at pamumuhay ng bawat pamilyang Cotabateño, isusulong natin ang Housing and Land Development sa lalong madaling panahon.  Mahalaga sa bawat pamilya ang magkaroon ng disenteng tirahan upang mapanatili ang dignidad at tiwala sa sarili.

Dahil kung ang bawat pamilya ay maayos ang pamumuhay at nakatitiyak sa kinabukasan, madaling magabayan ng magulang ang mga anak at maituwid kung sakali mang malihis ng landas ang mga ito.

Bagamat ang pag-gabay sa kabataan ay panguhaning tungkulin ng magulang, kailangan pa rin ang suporta ng pamahalaan sa pamamagitan ng pag likha ng naa-angkop na istruktura na siyang tutugon sa total development ng kabataan.

Dumaki, Kuyog Ta sa Sports for Peace – isang programang tutugon sa paghubog ng Kabataang Cotabateño na hindi lamang malusog, disiplinado, at palaban kundi higit sa lahat, magalang, may prinsipyo at may takot sa Diyos.

Magdidisenyo tayo ng mga programa at aktibidad na maaring lahukan ng ating mga kabataan upang higit pa nilang mahasa o di kaya’y matuklasan ang kanilang natatagong kakayahan sa larangan ng sports o  palakasan  hindi   lamang    para    sa    pansarili o pampamilyang dangal ng bawat atleta kundi ang patunayan sa lahat na sa North Cotabato, ang bawat isa ay mahalaga at may kakayahang  maipagmamalaki.

Higit sa lahat, sa pamamagitan ng Sports for Peace, mailalayo natin ang mga kabataan sa banta ng droga at krimen.  Sa tulong ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at ng pribadong sektor, bibigyan natin ng natatanging suporta ang mga kabataan upang sila ay maging modelo ng kagalingan at instrumento ng kapayapaan.

Kaakibat nito ang pagbibigay ng oportunidad sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga kabataan na makapag-aral at makapag-tapos ng kurso sa pamamagitan ng scholarship program.

Hindi kaila sa atin ang mahalagang papel na ginagampanan ng imprastraktura sa pagpapasigla ng ekonomiya at pagpapabilis ng progreso sa alinmang komonidad. Kasinglaki nito ang kahalagahan ng ekwipo (heavy equipment) sa pagtupad ng nasabing layunin.

Kaya, magsasagawa tayo ng pisikal na imbentaryo ng mga heavy equipment na nasa ilalim ng Provincial Engineer’s Office.  Sa pamamagitan nito ay malalaman natin ang tumpak na bilang ng mga ekwipong ito at masusukat ang kapasidad ng Engineering Office na pangasiwaan ang mga proyektong pang imprastraktura. 

Sapat ba o naaangkop ang ating ekwipo sa dami at uri ng mga proyektong dapat isagawa sa mga kanayunan? 

Mahalaga ang hakbanging ito upang mahatdan ng serbisyo tulad ng maayos na kalsada, tulay, paaralan, patubig at iba pang pangangailangan ang mga mamamayan, upang mapasaayos ang kanilang kalagayan at ng sa ganoon ay mapalago ang ekonomiya ng lalawigan.

Sa usaping pang-ekonomiya, alam nating lahat kung gaano kahalaga ang kaunlarang pang-agrikultura o agricultural development para sa ating lalawigan na ang pangunahing pagkakakilanlan (identity) ay bilang premier agricultural province.

Sa kabila nito, marami pa rin sa ating mga magsasaka ang nananatiling nakagapos sa mababang presyo ng mga produktong pinaghirapang  ipunla.  Hindi man lang sila makahulagpos sa kadena ng 5-6 na siyang kanilang tinatakbuhan para lang may itustos sa pamilya at may magamit na pondo para sa bukirin.

Kailangan nating repasuhin ang mga programang pang-agrikultura, panghayupan,  at pangkabuhayan para ang pondong inilaan ay mapapakinabangan ng tunay na nangangailangan at hindi ng iilan at pili lamang.

Bunsod ng ganitong kalagayan, bagamat mali, marami ang nakipagsapalaran sa mga investment schemes sa kabila ng katotohanang ang mga ito ay walang kasiguruhan.

Kung nais ninyo ng kasiguruhan, DUMAKI, Kuyog Ta. Suportahan ninyo ang ating mga programa at inisyatibong nakatuon sa pagpapaunlad ng sarili, ng pamilya, ng barangay, ng bayan at ng lalawigan.

Ang gobyerno ay hindi eksperto sa paglikha ng trabaho at hindi rin bangko subalit malaki ang magagawa nito sa pamamagitan ng pagtaguyod ng wasto at nararapat na business climate, pagbibigay ng angkop na kaalaman sa pamamagitan ng edukasyon sa kabataan at pagsasagawa ng napapanahong pagsasanay sa mga manggagawa. 

Naniniwala rin akong sa angkop na local enterprise, makapagbubukas tayo ng trabaho, at mabibigyan natin ng oportunidad ang ating mga maliliit na negosyante at mga mangangalakal upang mapalago ang kanilang capital at negosyo upang sila ay kumita kung saan bahagi nito ay babalik sa gobyerno sa pamamagitan ng buwis.

Wala tayong aaksayahing panahon.  Agarang pagkilos ang nais kong mangyari lalo na sa Central Mindanao Airport sa Tawan-tawan, M’lang.  Kung ito ay operational na, malaking tulong  ang maibibigay nito  para sa pagkamit ng economic prosperity. 

Hindi matatawaran ang ginhawa at benepisyong maidudulot ng isang paliparan sa sentro ng ating lalawigan.  Ito ay magbibigay daan sa mabilis na pagbibiyahe hindi lamang ng mga Cotabateño at ng kanilang mga produkto patungo sa merkado saan mang dako sa loob at labas ng bansa,  kundi maging ng mga turista na nagnanais bisitahin ang ating lalawigan at negosyanteng naglalayong mag-invest dito sa atin.

Inaatasan ko ang Provincial Legal Office at ang Provincial Planning and Development Office na sa lalong madaling panahon ay magbigay ulat sa status ng proyektong ito kalakip ang rekomendasyon sa agarang pag-lutas ng kung anumang balakid sa ganap na pagkompleto ng proyektong nito.

At tulad ng iba pang nabinbin o bagong mga proyekto, kailangan natin ang masigasig na pakikipag-ugnayan (linkaging) sa mga national at international agencies bilang mga katambal (partners) sa pagtugon at pagsulong ng ating economic development agenda.

Iilan lamang ‘yan sa pangunahing aspeto ng serbisyo publiko na agaran nating ta-trabahuin.  Aalamin natin ang status ng iba pang mga programang hawak ng bawat tanggapan katulad ng Pinansya, Kahandaan sa Kalamidad, Edukasyon, Social Services, Human Resources, at Cultural Affairs.

Kasama nito ang pagpapatayo ng Blood Bank dito sa ating probinsya.

Isang bagay na magkakaroon ng kaukulang pansin sa administrasyong ito ay ang Indigenous Peoples o katutubo na binubuo ng sampung major tribes.

Igagalang natin ang nakasaad  na mandato ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) – ang ahensya ng gobyerno na responsable sa pagprotekta ng karapatan ng IPs.  Tinitiyak ko ang partisipasyon ng tribal elders and leaders sa pagbalangkas  ng programang magpapalakas sa IPs sa larangan ng ekonomiya, politika at kultura.

Gagawin nating mas produktibo ang mga ancestral domain sa pamamagitan ng pagpondo at pamamahagi ng naangkop at napapanahong proyektong pangkabuhayan upang mapa-angat ang estado ng kanilang ekonomiya ayon sa programa ng Department of Agriculture.

Palalakasin din natin ang mga IP communities ayon sa isinasaad ng Republic Act 8371 or the Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA) Law.

Susubaybayan ng aking pamunuan ang pagpapatupad ng mg lokal na pamahalaan sa Mandatory Representation ng IPs sa konseho.

Higit sa lahat, hindi natin hahayaang tuluyan nang maglaho ang kinagisnang kaugalian at gawi ng ating  mga katutubo, bagkus tutulong tayong mapreserba at lalo pang pagyamanin ang mga ito kaugnay sa Indigenous Knowledge Systems and Practices.

Matutupad lamang ang lahat ng mga adhikain at hangaring ito, kung mapanatili natin ang katahimikan, kaayusan at pangmatagalang kaunlaran sa ating lalawigan.

Bunsod nito, gagawa tayo ng Provincial Security and Development Plan.  Ito ay isang balangkas ng aking administrasyon na   magsisilbing gabay o panuntunan upang magkaroon tayo ng –

isang North Cotabatong malaya o maagap sa banta ng kalamidad, sakuna, terorismo at lahat ng uri ng kriminalidad sa pakikipagtulungan n gating Food Chairman na dati ring gobernador Secretary Manny Piñol;

Isang North Cotabato kung saan ang bawat isa mula barangay, munisipyo, lungsod sa  buong lalawigan ay malayang nakatatanggap ng serbisyong panlipunan, pangkabuhayan, nakakapagnegosyo at namumuhay ng masagana, kung saan ang mga anak ay nakakapag-aral nang ligtas at maayos.

Bilang inyong Punong Ehekutibo, ako ay naniniwalang sa ganitong kondisyon o katayuan sa pamumuhay tayo magtatagumpay sa pagtahak sa landas ng panibagong pamamahala na naayon sa Whole of Nation Approach.

Tunay ngang napakalawak ng bakurang kailangan nating isaayos at pagyamanin.  Napakaraming bagay ang dapat na isailalim sa masusing pag-aaral, pagpaplano at ebalwasyon, isaayos at amendahan upang ang mga ito ay maging mas-kapakipakinabang at matiyak na ang pondong inilagak ay masinop na nagagasta.

Kaya, ang aking hamon sa ating mga pinuno ng tanggapan at mga kawani ng provincial government- wala kayong dahilan upang matakot sa bagong administrasyon, bagkus, marami kayong dahilan upang maging matapat at may dedikasyon sa inyong gawain bilang mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng aking pamumuno at ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

As of March 31, 2019, ayon sa talaan ng Provincial Human Resource Management Office, may kabuoang 1,830 empleyado sa probinsya na kinabibilangan ng:

  • 16 na mga Elective Officials,
  • 31 Coterminous positions,
  • 876 Permament,
  • 3 Temporary,
  • 68 Casual,
  • 242 Contract of Service, at
  • 594 Job Order.

Simula bukas, July 1, 2019, meron tayong 16 elective officials at 876 regular na   mga empleyado sa kapitolyo.

Bilang pagtalima sa mandato ng Republic Act 7640, itatatag natin ang LEDAC o ang Legislative-Executive Development Advisory Council bilang consultative at advisory body sa pagtalakay at pag-tugon sa socio-economic issues and concerns ng probinsya.

CONCLUSION

I will not boast of having all the solutions for a better Cotabato. That would be farthest from the truth.  As I said at the start of this address: It is not I. It is WE.

Kitang tanan nga mga lumulupyo niining atong minahal nga probinsya ang mulihok alang sa atong ginapangandoy nga dugang kalambuan ug kaayuhan alang sa tanan.

Walang isang bansa na nabuo at napaunlad sa pagkilos ng iisang tao lamang; wala ring bayan, lungsod o lalawigan ang nakatamasa ng kaunlaran dahil sa isang indibiduwal lang.  Lahat tayo ay may kanya-kanyang kakayanan, may kanya-kanyang kaalaman, may kanya-kanyang papel na dapat gampanan para sa pagkamit ng isang mas magandang kinabukasan.

Cebuano, Ilonggo, Antiqueño, Waray, Ilocano, Tagalog, Maguindanaon, Maranaw, Tausug, o Manobo, ang pagkakaiba-iba natin sa tribo o relihiyon ay hindi balakid. Pinatunayan na ito ng ating mga ninuno na siyang bumuo sa lalawigang ito, nagsimula sa pagpanday ng isang magandang bukas para sa susunod na henerasyon.

Panahon naman natin ngayon upang sundan ang kanilang mga yapak, ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulan, dahil hindi pa tapos ang gawain tungo sa mas maunlad na kinabukasan para sa bawat Cotabateño.

DUMAKI, Kuyog ta.  Samahan ninyo ako at nagkakaisa nating tiyakin:

That there will be preferential attention to Cotabateños who have less in life;

That a purpose-driven and results-oriented mindset will be promoted in the implementation of all provincial programs, projects and activities;

That participatory and consultative process will be instituted in all levels of decision making;

That productive linkage with national leaders and agencies including international bodies will be maintained in addressing various concerns and aspirations of our province;

That the dynamic diverse cultural heritage of North Cotabato will be recognized and a unifying consensus for the common good will be developed;

That the dignity, professionalism and confidence in the provincial bureaucracy will at all times be upheld and maintained;

And that the good practices and undertakings of the past administrations that truly serve the best interest of the people will be enhanced.

DUMAKI, Kuyog ta. 

Dakkoon Solamat Koniyu Langun.

Mabuhay ang Cotabato at mga Cotabateño.

End of speech.*